Hey, I have a story to tell – Eleven years na akong CPA today.
I can still remember that day, October 18, 2010, nagmumukmok lang ako sa dorm sa Manila, nagbabasa ng Kikomachine comics kasi sobrang taas ng level ng anxiety ko, hindi ako mapakali na natatae. Marami ring mga aligaga sa ibaba ng dorm, nag-aabang ng releasing ng CPA board passers. Eh hindi ko kaya gawin yung mag-abang sa baba, hindi ko nga kayang tignan ang cellphone ko, or mag-scroll sa Facebook. Deep in my heart, hindi ako umaasang papasa ako. Yes, honestly tinanggap ko na na babagsak ako kasi naman talagang nahirapan ako sa exam plus negative akong tao plus feeling ko hindi ko naman talaga deserve maging CPA kasi umay na umay na talaga ako sa accounting, na ginagawa ko lang ito kasi kailangan kong maging professional kasi iyon ang dapat, iyon ang gusto ng family ko, na parang wala naman akong ibang choice, na matalino daw ako so dapat successful ako sa career ko, kasi iyon ang idinidikta ng outside forces. Pero sa loob ko, hindi ko pa rin talaga alam kung ano ang gusto ko.
Then that afternoon, tumunog yung Nokia 3200 kong phone. May text message from my classmate, ‘congrats’ daw. Jusko, yung puso ko noon parang nahulog tapos biglang lumuwag yung paghinga ko. Naiiyak akong bumaba para i-check – kailangan ko i-check kasi ayaw ko pa rin maniwala. Maingay na rin noon sa baba kasi nga lumabas na yung result, naka-post na sa bulletin board ng dorm. Nakisiksik ako sa maraming tao para mahanap yung last name ko. Putangina, nung nakita ko yung pangalan ko , parang may bumara sa lalamunan ko, pigil na pigil ko yung sarili ko na hindi umiyak. Tinext ko kaagad si Mama na nasa Bohol to tell the good news and tumawag agad siya, mangiyak-ngiyak din to congratulate me. Pagkatapos, may mga iba na ring nag-text at tumawag. Sobrang overwhelming, my heart was full of joy, and ramdam na ramdam ko yung relief – lahat ng paghihirap ko, it was all worth it.
2004 noong lumipat ako sa Mindanao, hindi afford ng family ko na pag-aralin ako ng college so I had to live with my aunt and uncle, who fully supported me. Thank God, I passed MSU’s admission exam so nakamura ako ng tuition fee (75 pesos per unit) I spent six years in college (five years ang Accountancy nila plus one year din akong nag-stop dahil nagkasakit ako ng PTP Pneumonia). Akala ko noon matalino ako kasi with honors ako nung highschool, pero pagdating ng college, narealize kong ang bobo ko pala, puro matatalino classmates ko. Buong college life ko yata akong depressed at puyat at pagod. I almost didn’t make it, I was having suicidal thoughts (and yep, I almost did it), palaging may breakdown, madalas ang pag-iyak at pagkaawa sa sarili. I dunno, life was hard back then, I wasn’t born privileged.
And then everything changed that day, October 18, 2010. Iyong bagay na akala ko hindi ko gusto, na napipilitan lang ako – nung nakamit ko na siya, masaya rin pala. Sa isip-isip ko, “Siguro ito talaga yung gusto ko. Siguro ito talaga ang para sa akin.”