napadaan lang

1:48am, Friday. Marami akong reports, deadline for submission today. Pero hindi ko siya natapos/tinapos kanina. Instead, I watched two movies kanina, Between Maybe’s and She’s The One. Then I listened sa Ang Walang Kwentang Podcast, finished two episodes. I also played Hay Day, trying to grow my farm there.

Yes, heto na naman po ako, procrastinating. And I don’t know why.

Yeah, I ignored a few work emails din kanina. They give me anxiety so hindi ko pa rin talaga sila ma-open. Maybe later. Kapag wala na akong ibang choice.

I’m mentally unwell. Hindi ko na alam paano sisimulan at tatapusin ang mga bagay-bagay. Dapat resigned na ako last month. Pero dahil hindi ko pa nagagawa ang resignation letter ko, na-extend na naman ako ng another one month.

I need to sleep. Pero iniisip ko pa kasi ano magandang ikulay sa buhok.

Paano na nga ba magtapos ng isang blog post?

10 years

Sampung taon na ako nagtatrabaho sa kumpanya na ito, saktong 10th year anniv today. Dito naganap ang una and my one and only job interview. Never ako nag-try mag-apply sa iba kasi sa first interview ko dito, walang kuskos-balungos, natanggap kaagad ako.

Sampung taon na memories and experiences. Every two or three years, napo-promote ako, yearly salary increase, bonus, ang ganda ng benefits. Super okay ako with my co-workers.

But now, gusto ko na tumigil. Gusto ko muna magpahinga. Gusto ko mag-alaga na lang ng aso at magtanim ng mga gulay. Gusto ko maging plain housewife na lang (charot, hindi pa ako wife).

Seryoso, pagod na ako. Patung-patong na stress and anxiety dahil sa trabaho. Sabi nila normal lang yun. Pero wala na talaga akong gana eh. I want a clean slate.

Okay kaya ‘yun? Nasa gitna ng pandemya tapos wala akong trabaho. Ang dami bayarin, hindi naman ganun kalaki ang ipon.

Kaya ko kaya?Magre-resign ako and then what?! Hindi ko pa sure ano gusto ko. Tangina, 33 years old na ako, hindi ko pa rin alam gusto ko.

To resign or not?

illicit affair 2010

Okay, medyo lasing na ako. Pwede na ako magkwento.

Do you have that one person in your life na hindi mo makayang tanggihan? Tipong kapag nagyaya ng “Tara!”, kesehodang inaantok ka pa, hindi ka pa nakakaligo at nakakapag-toothbrush eh magre-reply ka ng “Wait, ‘eto na!”

 

May 2010.

Fiesta sa amin. Maingay ang paligid noon, akala mo’y hindi hatinggabi. Aligaga lalo na ang mga kabataan. Bilang introvert ako, mas pinili kong matulog na lang kesa manood ng mga kung anu-anong kaganapan sa basketball court ng barangay namin.

Hindi pa man ako napapapikit ay nag-text siya. Tinatanong kung pupunta ba daw ako ng basketball court para manood ng kung anuman ang programa noon. Papunta daw kasi sila ng mga barkada niya. Sa loob-loob ko, ano’ng meron, bakit nagte-text ka pa? Pero hindi ko na ‘yon isinama sa reply ko para hindi na humaba ang usapan. For sure, wala rin namang saysay na itanong pa. Instead, sumagot ako, “Hindi ako pupunta, matutulog na ako.”

“Ah okay.” Yan lang sagot niya.

Tangina, bitin na bitin ang puso ko. Pero sinarili ko na lamang ang pagmamaktol. Para saan pa?

Ang tanda ko nahihimbing na ako noon, mga past 2AM, nag-text siya ulit. “Gising ka pa? Magkita tayo. Punta ako sa inyo.”

Nag-alpasan ang antok ko sa katawan. Balikwas ako ng bangon. Hindi ko na matandaan kung ano ang isinagot ko sa kanya noon. Pero sigurado ako may “okay, sige” doon kasi maya-maya lang nag-text na siya ulit na nasa likod na siya ng bahay, sa may gate. Nakita ko na lang ang sarili ko na nagti-tiptoe palabas ng bahay, dahan-dahang binubuksan yung gate (umiingit kasi yung gate namin kapag binubuksan/sinasara).

There, I saw him standing. Ang pinakagwapong lalaking nakilala ko sa buong buhay ko na ang epekto lang naman sa akin ay pabilisin ang tibok ng puso ko at bigyan ako ng sangkaterbang ‘feelings’.

Hindi ko matandaan kung nagkusa ba siyang pumasok na or tinawag ko ba siya para pumasok. Mabilis ang mga pangyayari. He kissed me and I found myself kissing him back. Passionately, may hayok, may pangungulila, may panggigigil. Isinandal niya ako sa may pader katabi ng gate namin. Yung mga kamay namin, parang may sarili ding utak na gumagalaw nang kusa, may hinahanap, may gustong maramdaman. Unti-unti ay may lumalabas na ring mga impit na ungol sa kanya, sa akin. Hindi ko na matandaan kung ano ang nangyari, pero may nangyari. Nang matapos, nakatayo lang kaming hinihingal na nakatingin sa isa’t isa. Wala akong masabi. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hinahabol ko pa ang hininga ko.

After a minute or two, nagpaalam na siyang uuwi. Tumango lang yata ako noon tapos binuksan ko na ulit yung gate nang dahan-dahan. Pinagmasdan ko siya saglit habang paalis, hanggang unti-unti na siyang nilamon ng dilim.

Agad din ako bumalik ng kwarto na nangangatog ang tuhod. Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Tulala akong napaupo sa kama, ninanamnam yung naiwan niyang amoy sa katawan ko. Kumakagat-labi akong pinipilit malasahan ulit ang mga halik na ‘yon. Sobrang na-miss ko iyon. Na-realize ko, I missed him that much. Wala akong naramdamang takot or panghihinayang or regrets that time. Nangingiti pa ako na nire-replay sa utak ko ang nangyari.

Natapos lang ang pagmumuni-muni ko nang may nag-text.

“Mi, gising ka pa? Kakatapos lang ng program. Sayang, hindi ka pumunta, hindi tuloy tayo nagkasama.”

.

.

(teka, ituloy ko maya. parang napuwing ako…)

paano ba magbalik?

Nahalungkat ko ulit itong WP blog ko. Hindi ko sigurado kung dahil ba sa bored ako at wala nang magawa sa gitna nitong community quarantine na ito o dahil wala lang ako makausap at ang dami kong gustong ikuwento pero hindi ko alam kung paano. Naisipan kong magbalik, tumipa ng ilang mga salita. Pero bigla ding naisip ko, kaya ko bang panindigan ito? Na magba-blog ulit ako? Kamusta na ba itong WordPress? Teka, uso pa ba mga personal blogs? Puro vlogs na nakikita ko. Wala na nga rin halos nagse-share ng mga personal thoughts nila sa Facebook. Madalas puro share at “ctto” na lang. Sa Instagram naman, pagandahan lang ng picture tapos pagalingan mag-caption at hashtag. May nagbabasa pa ba ng mga ganitong blog?

Gusto ko pa ring sumubok muli. Kahit na walang magbasa, basta masabi ko. Nitong huling mga araw, pakiramdam ko nabobobo na ako, na hindi ko na kayang mag-construct ng mga salita. Madali na din ako ma-distract. Iniisip ko magiging ningas-kugon na naman ako sa pagbuhay ng blog na ito.

See? Simula pa lang, ang nega ko na.

Wala naman kasi ako maisip na magandang kwento ng isang ‘pagbabalik’.

So, naisipan ko na lang balikan yung mga old posts ko. Nakita ko itong “It Ends Tonight”. Natawa ako bigla sa ginawa kong ending. Dahil sa takot ko na mahusgahan, iniba ko yung ending. Kaloka. Ang pretentious ko pala noon. Gawa-gawa ng kwento. Pero ang totoo niyan, nagkita talaga kami that night. Sobrang tanga pa ako noon, sabik sa pagmamahal. I-rewrite ko kaya itong story na ito? Naiinis ako eh.

Ayan na, nabubuhay na ako. Ang dami ko na gusto ikwento. Ang tagal ko nawala. Ang daming nangyari sa buhay ko. Gusto kong magkwento.

Wait lang. Let me gather my thoughts. 😉

dishwashing without plastic

Hey pipz, instead of using those plastic ‘scotch brite’, why not switch to this 100% compostable, non-toxic, hygienic, effective and long lasting dish washer — the humble loofah!

The loofah is soft and squeaky when wet and is brilliant for cleaning dishes, cutlery and glass. Plus loofahs are made entirely out of natural fiber, it is organic and breathable which allows it to not harbor bacteria and get stinky.

Sana we all stop using those yellow and green plastic sponges na. They are made of plastics, they shed microplastics into the water as they deteriorate and they only last a few weeks. And super unhygienic din, too much bacteria lurking in between those sponges. They are a complete nightmare for the environment and most people still use them. That is so sad. ☹️

#loofah #ecofriendly #zerowasteph #zerowaste #zerowasteliving #sustainable #sustainableliving #sustainablelifestyle #ecofriendlyproducts #notoplastics #saynotoplastic