Muah Muah Muah


131856_163991823644706_4539268_o

 

 

PicMonkey Collage

 

Lingid sa kaalaman ng nakararami, dalawa ang naging ina ko.

Una ay ang babaeng nagluwal sa ‘kin, nagpadede, nagpalit ng mapapanghing lampin, naghele, nagturo kung pano maglaba, magsaing, magparikit ng apoy, maghugas ng plato, maglinis ng bahay. Bukod sa mga gawaing bahay, tinuruan nya rin ako kung pano gumalang at rumespeto sa ibang tao, kung pano maging mapagkumbaba at mapagpasensya, at kung pano maging masaya kahit sa mumunting bagay na natatamo.

At ang pangalawa kong ina naman ang nagpalaki sa ‘kin nung time na naging stagnant na ang height ko. Tinuruan niya ako ng fashion, tinuruan nya akong umarte at ayusin ang katawan ko. Tinuro niya ang tamang gesture sa bawat sitwasyon ng buhay. Sa kanya ko natutunan na bilang babae, may karapatan tayong mag-inarte. At dahil sa kanya, nalaman kong may ganda din pala akong hindi inaakala. Nyaks haha. Bukod dun, itinuro niya rin sakin ang tunay na kalakaran sa mundo, kung pano aabutin ang mga pangarap ko. And she has that power to summon those talents na akala mo wala sa katauhan mo. Talent manager kumbaga.

Sa kanilang dalawa, maraming beses na rin akong nagtampo, nagmaktol at sumuway sa mga kagustuhan nila. Sabi nila (at ija-justify ko talaga ‘to noh), normal lang sa kabataan ang maging matigas ang ulo at magrebelde. And during those bad days, after all the arguments, at dahil yun din ang hatol ng langit, they end up winning. At ako, diretso sa kwarto, maghihimutok hanggang makatulog. At paggising kinabukasan, ayos na ulit, parang walang nangyari. Dun ko na-realize ang isa sa mga cycles of life na pinagdadaanan ng isang ina. Na gaano man kalaki o kaliit ang kasalanan ng anak mo, you have no choice but to let go of those bad feelings, kalimutan ang lahat at magsimula ulit. Dahil ina ka. Dahil anak mo siya.

Pagdating sa pag-aaral, pareho silang supportive. Kahit mas madalas sa minsang pumapalya at bumabagsak, ni minsan di nila isinumbat ang kabobohan ko. No pressures daw. Pero walanjo, syempre konsensya ko rin yun. Kinaya ko despite the haggardness and pagtagaktak ng pawis at pagkalustay ng mga walang muwang kong brain cells, makita ko lang yung mga ngiti nilang yun that graduation day and after passing the board exam. Sa isip-isip ko, nakabawi na rin partially.

And now, marami ng nagbago sa akin.

Wala na yung mga sigaw nilang “Hoy Tet! Bumangon ka na jan. Tanghali na!!!” na ilang taon ding naging alarm ko sa umaga.

Wala na yung malambing na yaya nilang “O kakain na. Pati ba naman paghahain kaylangan ako pa?!”

Nakaka-miss din yung pag namimili ng damit sa mall sasabihin sayo “Oh pili ka ng damit na gusto mo jan”. After ilang minuto ng pag-iikot “Oh may napili ka na? Ito piliin mo oh, pink. Bagay sayo, hindi ka payat tingnan. O kaya yung white, maganda, simple lang tska nakakataba tingnan pag white”. At ako tahimik lang naghihintay kung anong iaabot sa akin.

O kaya naman pag nakitang may kausap kang lalaki, tatanungin “Sino yun? May gusto ba sayo yun? Boyfriend mo ba yun? Basta Tet, wag ka muna magbo-boyfriend. Aral muna.” Ako naman, “Okay po. Nagtanong lang naman pano pumunta sa bahay nina Chorvah.”

Ang sarap sariwain yung pag-aalaga niyo tulad nung pag naglalaro ako sa labas at uuwing ang gutim-gutim. Salubong nya “Sina Chorvah na naman kalaro mo. Diba sabi ko sayo wag ka magdididikit dun. Kutuhin yun. Mahahawahan ka. Tapos ayaw mo pa magpakuto. Dapat pag tanghali natutulog ka para lumaki ka kesa yang naglalaro at nagtatatakbo ka jan sa labas.”

Ngayon. Ako na lang mag-isa ang gumigising sa sarili ko. At di ko na natutunan ang ipagluto ang sarili. Marunong na akong mag-shopping para sa sarili ko, gumastos para sa sarili ko, gamutin ang sarili pag may sakit, pakalmahin ang sarili pag broken-hearted, magdesisyon para sa sarili ko.

Pero. Nakaka-miss din yung pagiging pakialamera ng isang ina. Nakaka-miss yung may nagdidikta sayo kung anong gagawin mo sa bawat pagkakataon. Nakaka-miss ang mga sermon. Nakaka-miss ang pag-aalaga. Nakaka-miss ang harutan at kulitan at tuksuhan. Nakaka-miss ang pagmamahal ng isang ina na kahit kelan, walang makakapantay.

Sometimes, we fail to notice their adversities. Lalo ngayon na busy na rin tayo sa kanya-kanya nating buhay. But if you’ll look closely and see those fine lines in their faces, makikita mo na nakatatak dun ang pangalan mo, naka-ALL CAPS pa, naka-BOLD with matching neon highlight. True. Isa ka sa mga nagbigay ng konsumisyon sa ina mo. Pero ganun pa man, sa sarili ko, di nila isinumbat yon. At kapag nakikita ko kung nasan na ko ngayon, kung ano ng kalagayan ko ngayon masasabi kong naging mabuting ina sila sakin. I am forever indebted to them for giving me this happy and successful life.

Sana man lang, sa haba ng post na ‘to, kahit papano, kahit konting konti, sana nakabawi na ko. Hehe. Ang hirap kaya mag-type.

Para sa mga naging ina ko, at ituturing na ina forever nang walang halong pag-iimbot at gutom (huh?!) maraming salamat and Happy Mother’s Day!


One response to “Muah Muah Muah

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Not Made For One Night Stands

I write to try and make sense of it all but it usually ends up not having much sense.

Wanders of Chia

Happiness is my way of living

Doctor Eamer's Blog

PAG-IBIG ATBP.

Naked Ideation

Dive the Mind

That was Then, This is Now

Blank stares at blank pages

We Found Wonderful

Photography - Travel - Arts - Reflections

Eccentric Equilibrium

Where schizophrenia, serenity, lunacy and sanity all hang in the balance.

r....e....p....a.....h....

mga tsismis sa likod ko

A Tourist, A Traveler and A Lover of Art

I always believe that if you've experienced something extraordinary, you have no right to keep it to yourself. Paola Nazario

Deecee not Daisy

When you love, love all the way! :)

My stories

all stories u want~quotes,romance and short stories

BEAUTIFULLY BROKEN

[ mga dagling kwento, sanaysay, tula at kung anu-ano pang kaanuhan na umaapaw sa ano ko ]

Aling Baby

Oo, alam ko...alam n'yo na 'to...

Sankage Steno

Ganun talaga.

Forty Eleven Thousand Things

Vanity, travel, being bratty about motherhood, arts & crafts, the Filipino culture, life lessons, and just about fortyeleven thousand superficial anythings

Frozen Gulaman

It's Life in a Simple Frozen Treat

Liquid Druid's travel blog

Forget the big picture. Let's get lost in the details.

I Think. I Say. I Feel

Repository of all random things.

The Lurker's List

Tips and Observations. Naked Truths and Opinions.

The Muddled Corner

It doesn't get MIXED up like this!

Ewan ko!

Opinyon ko atbp..

eh sa wala akong magawa...

Walang Pakialamanan!

the odd one out...

from the outside looking in

blag bleg blig blog blug

Pagmulat ng mata, langit nakatawa sa Batibot.

%d bloggers like this: