Love at First Sight?! Pweh!


If love is blind, anong kagaguhan ang love at first sight?

Sa totoo lang, after 25 years nang pamamalagi at pagtulala sa mundong ibabaw ay may isang topic pa rin akong di magets-gets sa buhay. Love at first sight.

Alam kong maituturing nang epidemya ang phrase na ito dahil na rin sa pagiging laganap nito saan mang sulok ng mundo. Sa mga drama sa radyo, mga nakakaurat na teleserye sa TV, mga nakakaumay sa katamisang pelikula sa sinehan, mga librong nagtatae ng kakornihan, mga masinsinang usapan ng mga tambay sa eskinita, sa gitna ng umaatikabong rounds ng tong-its ng mga senior citizens. Samakatuwid, hindi na bago ang eksena kung saan ilang patong ng libro ang bitbit-bitbit ng isang tanga at reckless na babae na makakabangga naman ng isang lalaking nagmamadali dahil hinahabol ng aso tapos ka-boom, magko-collide ang kanilang mga katawan habang nagtitilamsikan sa paligid ang mga nahulog na libro. At parang itinadhana pang parehong libro pa ang una nilang pupulutin, syempre dahil yun ang malapit, tapos ayun magkakahawakan ng kamay, magpapalitan ng electric waves, tapos magkakatitigan at yun na nga ang alamat ng love at first sight.

Kitams! Kahit ikaw na bumabasa nito ay alam na kahit Meralco ay hiyang-hiya sa spark-spark na naganap. Pero bakit, oh why bakit na never pa pina-experience sakin ang ganyan? Oo nainlab nako. Pero hindi yung tipong nagsimula sa isang malanding tinginan. Siguro mga labinlimang titig muna bago ko ma-realize na ‘bwakananginang ang gwapo pala ng mokong na ito’. Siguro mga ilang hang-outs pa bago ko mapagtantong pag-ibig na pala kung ita-translate yung kasabikan na makasama siya. At siguro mga ilang hawak-kamay pa bago ko maramdaman yung sumisibol na pagnanasa ko sa kanya.

Ewan ko ba! Masyado lang siguro talagang sloooow ang brain cells ko sa pag-analyze ng sustansya na nakikita ng mga mata ko. O marahil eh na-misinterpret ko sa diarrhea yung pagiging uneasy ko nung nakasama ko siya.

So wag nyo akong dramahan ng mga love-at-first-sight stories nyo, please lang! Dahil isang walanghiyang ‘WEH?!’ lang ang maikokomento ko jan. Oo, ngumunguya ako ng ampalaya ngayon dahil nauumay nako sa katamisan ng mga korean dramas. Peace😛


3 responses to “Love at First Sight?! Pweh!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Not Made For One Night Stands

I write to try and make sense of it all but it usually ends up not having much sense.

Wanders of Chia

Happiness is my way of living

Doctor Eamer's Blog

PAG-IBIG ATBP.

Naked Ideation

Dive the Mind

That was Then, This is Now

Blank stares at blank pages

We Found Wonderful

Photography - Travel - Arts - Reflections

Eccentric Equilibrium

Where schizophrenia, serenity, lunacy and sanity all hang in the balance.

r....e....p....a.....h....

mga tsismis sa likod ko

A Tourist, A Traveler and A Lover of Art

I always believe that if you've experienced something extraordinary, you have no right to keep it to yourself. Paola Nazario

Deecee not Daisy

When you love, love all the way! :)

My stories

all stories u want~quotes,romance and short stories

BEAUTIFULLY BROKEN

[ mga dagling kwento, sanaysay, tula at kung anu-ano pang kaanuhan na umaapaw sa ano ko ]

Aling Baby

Oo, alam ko...alam n'yo na 'to...

Sankage Steno

Ganun talaga.

Forty Eleven Thousand Things

Vanity, travel, being bratty about motherhood, arts & crafts, the Filipino culture, life lessons, and just about fortyeleven thousand superficial anythings

Frozen Gulaman

It's Life in a Simple Frozen Treat

Liquid Druid's travel blog

Forget the big picture. Let's get lost in the details.

I Think. I Say. I Feel

Repository of all random things.

The Lurker's List

Tips and Observations. Naked Truths and Opinions.

The Muddled Corner

It doesn't get MIXED up like this!

Ewan ko!

Opinyon ko atbp..

eh sa wala akong magawa...

Walang Pakialamanan!

the odd one out...

from the outside looking in

blag bleg blig blog blug

Pagmulat ng mata, langit nakatawa sa Batibot.

%d bloggers like this: