Nang gabi na ‘yun..
Sana inintindi ko nang maige ‘yung paliwanag mo kung pa’no nilalaro ang basketball. Sana rin minemorize ko lahat ng pagmumukha ng mga basketball players na yun na isa-isa mong pinakilala sa’kin habang nanonood ng game sa TV. Sana man lang, naging bahagi rin ng buhay ko ‘yung ilan sa mga hilig mo.
Sana rin tinawanan ko lahat ng jokes mo, at nagkomento rin sa lahat ng opinyon mo sa kung anu-anong mga bagay-bagay. Sana nakapagpayo ako sa’yo tungkol sa mga inihambalos mong bitterness sa buhay para naman kahit papano naramdaman mo ‘yung pagiging kaibigan ko sa’yo.
Sana tinanggap ko ‘yung inaalok mong yosi kahit hindi ako maalam kung paano hihithitin yun. At least man lang, ma-experience ko at masubukan ‘yung pinagyayabang mong nabubuong “art” kuno sa mga binubuga mong usok.
Sana mas sinayahan ko pa ‘yung paghihilahan natin ng kumot. Sana nilakasan ko pa yung tawa ko para malaman mo kung gaano ako kasayang kasama ka. Sana tinodo ko pa ‘yung pangingiliti sa’yo. Kung alam mo lang na musika sa’kin ang bawat paghagikhik mo.
Sana hindi ako nahiyang kantahan ka ng “Kundiman” ng Silent Sanctuary. Kahit man lang sa awitin na ‘yun, mabigyan ko ng tono ang nararamdaman ko para sa’yo.
Sana hindi ko winaglit ‘yung titig ko sa’yo maski isang segundo. Sana minemorize ko ang buong anatomy mo. Sana mas hinigpitan ko pa yung yakap ko sa’yo; mas diniinan ang bawat halik. Sana pinadama ko sa’yo na sa piling ko, never mo mararamdaman ang pag-iisa at pangungulila.
Sana kinuhanan kita ng picture habang natutulog para naman kahit papa’no may maitatago akong alaala mo.
Sana na-record ko ang paghihilik mo.
Sana ninamnam ko pang maige ‘yung bigat ng dantay mo sa ‘kin, ‘yung higpit ng yakap mo, ‘yung init ng palad mo habang nakahawak sa pisngi ko.
Sana habang nilalaro ko ang tenga mo ay naibulong ko sa’yong mahal kita.
Sana napanaginipan mo ako.
Sana hindi ako nakatulog.
Kung alam ko lang na iyon na ang huling gabing makakapiling kita, eh di sana nag-extend pa tayo ng another 12 hours.
June 25th, 2013 at 12:19 PM
Sana hindi ako nahiyang kantahan ka ng “Kundiman” ng Silent Sanctuary. Kahit man lang sa awitin na ‘yun, mabigyan ko ng tono ang nararamdaman ko para sa’yo. – favorite ko din yang Kundiman at Hiling ng Silent Sanctuary. ginamit ko pa nga yan ng nag break kmi ng ex-gf ko eh (magkwento dw ba ng nakaraan)… lol
June 25th, 2013 at 12:23 PM
apir apir apir! hehe, natutuwa talaga ako pag may nagsasabing peyborit nila ang silent sanctuary hehe. 😀
June 25th, 2013 at 12:26 PM
pano tayo mag aapir eh nasa saudi nga ako (mais noh?) oo maganda tlga ung mga kanta nila. sarap ulit ulitin.
June 25th, 2013 at 12:28 PM
wag mo na isipin pa yun, basta kunwari nag-apir na tayo hahahah… 😛
June 25th, 2013 at 12:30 PM
cge na nga iniisip ko na sya ngaun. tpos na tayo mag apir.