40th Ehem


Hatinggabi. Habang pinagtatagpi-tagbi ang na-jigsaw puzzle kong puso na umaapaw sa ka-emohan, napasigaw ako sa langit. “Lord, bigyan Nyo po ako ng isang gwapo, chinito, sumisixpack at may humahalimuyak na sex appeal na boyfriend. Yung tipong sasambahin ang kagandahan ko. Isang lalaking tunay na magmamahal sa kung ano ako.”

Kaso choppy ata ako nun. Di Nya masyadong naintindihan. Yung last line na lang yung malinaw na narinig Nya.

Voila! Dumating ka. Tsk. Anak ng teteng. Walang kwenta. Hehe joke lang.

Mabibilang sa daliri kung ilang beses akong sumagot sayo ng ‘i love you’. Bilang din yung mga moment na naglambing at nagpaka-sweet ako sayo. Idagdag mo pa yung pakunwaring pag-iwas ko pag dumada-moves ka ng PDA.

Mas marami pa nga yung mga pagkakataong nilulunod kita sa stress pag nagta-tantrums ako at mga umaatikabong silent cold war from me. Mas madalas sa always na pangungulit, pang-aasar, pang-a-under, pagmamaldita. Pati na rin yung mga pangloloko at pagsisinungaling ko sayo.

Umabot sa point na pointless na. Sinundan ng unlimited away-bati, cool-off, hiwalayan chorvah.

For 40 months, yun lang ang naging cycle ng kung anumang relasyon meron tayo. Pero sa 40 months na yun, ni minsan di ka sumuko, di ka nang-iwan, di ka nagsawa, di ka napagod maghintay kung kelan mawawala ang sapi at topak ko sa katawan. Ni minsan, di mo ako sinumbatan. Sa halip, open arms mo pa rin akong tinatanggap despite how wasted I am.

Salamat sa lahat ng ‘i love yous’ and ‘i miss yous’ mo.
Salamat sa kakornihan at kabaduyan mo.
Salamat sa pagpapasensya sa kaartehan ko.
Salamat kasi hinahayaan mo lang akong asarin ka.
Salamat sa pag-intindi sa katakawan ko at pagpapaubaya ng pagkain.
Salamat sa mga texts na buong puso kong dinededma.
Salamat sa pagpupuyat para lang ma-check kung safe ba akong nakauwi ng bahay.
Salamat sa pagreremind na malapit na maexpire ang load ko.
Salamat sa araw-araw na pambobolang maganda at sexy ako.
Salamat kasi naa-appreciate mo yung kagandahan ng boses ko.
Salamat coz despite everything, kaya mo pa ring sabihin na “I’m so lucky and blessed to have you”.
Salamat sa mga sorry’s na ikaw na lang ang nagsasabi dahil hindi ko masabi dahil kasing taas ng Mt. Everest ang pride ko.

Thank you. For being my best friend, my enemy, my brother, my textmate, my stalker, my avid fan, my follower, my Adam, my Romeo, my Aragorn, my Papa P, my Edward, my Christian Grey.

Just for being you, I feel loved.

[ Grabe 40 months mo akong napagtiisan. Well eto bawi na ako hah. Wag mo na kong sumbatan na di ako sweet. Quota na ko dito. Wag nang umangal. Wag na ring magkomento. Basa na lang. Wag mo ring sasabihing naiyak ka. Leche ka, wag kang magdrama. Labyu! ]


6 responses to “40th Ehem

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Not Made For One Night Stands

I write to try and make sense of it all but it usually ends up not having much sense.

Wanders of Chia

Happiness is my way of living

Doctor Eamer's Blog

PAG-IBIG ATBP.

Naked Ideation

Dive the Mind

That was Then, This is Now

Blank stares at blank pages

We Found Wonderful

Photography - Travel - Arts - Reflections

Eccentric Equilibrium

Where schizophrenia, serenity, lunacy and sanity all hang in the balance.

r....e....p....a.....h....

mga tsismis sa likod ko

A Tourist, A Traveler and A Lover of Art

I always believe that if you've experienced something extraordinary, you have no right to keep it to yourself. Paola Nazario

Deecee not Daisy

When you love, love all the way! :)

My stories

all stories u want~quotes,romance and short stories

BEAUTIFULLY BROKEN

[ mga dagling kwento, sanaysay, tula at kung anu-ano pang kaanuhan na umaapaw sa ano ko ]

Aling Baby

Oo, alam ko...alam n'yo na 'to...

Sankage Steno

Ganun talaga.

Forty Eleven Thousand Things

Vanity, travel, being bratty about motherhood, arts & crafts, the Filipino culture, life lessons, and just about fortyeleven thousand superficial anythings

Frozen Gulaman

It's Life in a Simple Frozen Treat

Liquid Druid's travel blog

Forget the big picture. Let's get lost in the details.

I Think. I Say. I Feel

Repository of all random things.

The Lurker's List

Tips and Observations. Naked Truths and Opinions.

The Muddled Corner

It doesn't get MIXED up like this!

Ewan ko!

Opinyon ko atbp..

eh sa wala akong magawa...

Walang Pakialamanan!

the odd one out...

from the outside looking in

blag bleg blig blog blug

Pagmulat ng mata, langit nakatawa sa Batibot.

%d bloggers like this: