THREE CHAPTERS (part one)


CHAPTER ONE

Kabado. Najejebs. Hindi mapakali at giniginaw dahil sa lamig ng hangin sa loob ng bus. Iyon ang nararamdaman ko nang bumiyahe ako isang gabi papunta ng Batangas.

Alam kong malayo na ako sa Makati dahil sa tantiya ko ay mahigit isang oras na ang tinakbo ng bus na ‘to. Palinga-linga ako sa may bintana. Sinadya kong umupo sa may harapan, sa may likod mismo ng driver dahil hindi ko kabisado ang pupuntahan ko, para isang kalabit lang ay malalaman ko na kung hindi pa ba ako naliligaw.

Maya-maya ay tumabi sa akin ang konduktor na katatapos lang magtiket sa mga bagong sakay na pasahero. Konti lang naman ang mga pasahero dahil mag-aalas-onse na ‘yun ng gabi. Hindi ko sigurado kung nahalata ba ng konduktor  ang kaba ko nang tanungin ko siya ng “Kuya, malayo pa po ba ang Tanauan?”.

“Ay malapit na po.”

“Ah okay. Pakisabihan na lang po ako. Dun po ako sa mismong babaan.”

Tumango naman ang konduktor. Medyo nabawasan ang kaba ko. Kinuntento ko na lang ang sarili ko sa pagmamasid sa daan. First time kong magawi sa parteng ito ng Batangas. Wala akong kaide-ideya sa hitsura ng Tanauan. Biglaan kasi ang nagingd esisyon kong dayuhin ito. Ni hindi na ako nakahingi ng tulong kay Google Map at sa ganitong dis oras pa ng gabi.

Gusto ko ngang sabihan ang sarili ko ng “Wow girl, ang tapang mo!” pero agad ko ring winaksi iyon sa isipan ko. Hindi ito katapangan. Bagkus, ito ay isang malaking katangahan.

Napatigil na lang ako sa pagmumunimuni nang kalabitin ako ng konduktor sabay sabing “Miss, Tanauan na po.”

“Thank you po kuya”, nakangiti kong tugon sa kanya at dali-dali nang bumaba ng bus.

Sa pagbaba ko, bigla akong napayakap sa sarili ko nang salubungin ako ng malamig na hangin. Naka-long sleeves naman ako, skinny jeans at sneakers pero pakiramdam ko tagos hanggang bone marrow ang nararamdaman kong lamig. Nakakapanginig. Nilinga ko ang paligid. Sa likod ko ay isang gas station. Buhay na buhay pa rin ang paligid dahil sa mga taong gising at nangaghuhuntahan pa.

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Puwesto ako sa gilid ng gas station at binasa ang kadarating lang na text message.

“Ano na dude? ‘Asan ka na?”

Agad akong nagreply. “Dito na. Kabababa lang.”

Wala pang isang minuto ay nag-vibrate na muli ang cellphone ko. “Ah okay. Basta dun tayo magkita sa may Jollibee. Konting lakad lang yun mula jan sa bus stop.”

“Okay dude. Text kita ‘pag andun na ko.” reply ko.

Pagkatapos ko ma-send ang reply ko, agad kong nilinga ang paligid. Sa di kalayuan ay nakita ko kaagad ang malaking pagmumukha ni Jollibee. Pilit akong napangiti sabay tawid sa kabilang side ng highway. Habang naglalakad, muli kong naramdaman ang himagsikan sa loob ng tiyan ko.

“Shit!” At binilisan ko pa lalo ang paglalakad. Pagpasok na pagpasok sa Jollibee, agad kong tinanong ang guard kung nasaan ang CR. Buong lugod naman niyang iminwestra ang kinaroroonan nito.

Pagkatapos matunton ang CR, agad kong inupuan ang toilet bowl. Buti na lang walang ibang tao sa loob kaya malaya kong nailabas ang kanina pang kinikimkim. Matapos ang ilang ire, nakaramdam na ako ng kaunting ginhawa. Sabay punas at hugas ng kamay, tapos ay nanalamin, inayos ang sarili, huminga ng malalim at ibinulong sa sarili ang forever mantra na “Kaya mo ‘yan Tet!”.

Paglabas ng CR, umorder ako ng kape at pinili ko ang upuan sa may bandang sulok kung saan kitang-kita ko kung sinumang papasok sa naturang kainan na ‘yun. Nang nakaupo na, tinext ko na siya. “Dude dito na ako.”

Habang taimtim na humihigop ng kape, naka-concentrate naman ang mga mata ko sa pintuan. Alam kong any moment ay darating na siya. Gusto kong ako ang unang makakita sa kanya. Gusto kong makasigurado na siya na nga yung kanina lang ay ka-chat ko sa Facebook. Bago ako umalis ng bahay kanina ay minemorize ko muna nang maige yung bawat hilatsa ng pagmumukha niya na naka-post sa Facebook profile niya. Ayoko magkamali.

Hindi ‘ata nakatulong ‘yung kape na iniinom ko. Habang tumatakbo ang oras, pakiramdam ko ay may world war 3 na namang nagaganap sa sikmura ko. Nakakatae sa kaba ‘yung mahigit sampung minuto na lumipas. Nandoon ako sa moment na pinapakalma ang sarili nang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang matangkad na lalaki, naka-pants at checkered na polo shirt.

Bumilis ang tibok ng puso ko. ‘Di pa man siya lumilingon sa kinaroroonan ko ay malakas na ang kutob ko na siya na nga ‘yun. ‘Di nga ako nagkamali nang magtama na ang aming mga paningin. Nakangiti siyang lumapot sa kinaroroonan ko.

“Oh ano, tara na?” ‘yun kaagad ang bati niya.

Hindi ko na inubos ang kape ko. Dali-dali na akong tumayo palabas ng Jollibee habang nakasunod siya sa likod ko. Nang pareho na kaming nasa labas, nilingo ko siya sabay sabing “Saan tayo?”.

“Shot muna tayo” sagot niya.

“Okay”, mabilis kong sagot habang pilit na itinatago sa kanya ang kabang nadarama.

Parang bata na nakasunod lang ako sa tinatahak niyang daan. Maya-maya pa ay nasa looban na kami ng palengke. Kahit hatinggabi ay marami pa ring tao sa palengke na yun. May mga bukas pa ring tindahan at maliwanag naman ang paligid. Doon niya ako dinala sa isang tindahan sa isang sulok.

Hinila ko kaagad ang isang upuan at doon naupo habang pinag-aaralan ang lugar. Ganoon ako ‘pag unang bisita ko sa isang lugar. As much as possible, ime-memorize ko talaga ang bawat detalye ng lugar para in case na bumalik ako, alam ko na at hindi na ako magkakandaligaw-ligaw pa.

Habang tahimik na nakaupo, nakita ko naman siya na kausap ang tindera habang umoorder ng isang Red Horse grande at yosi. Kami na lang ang customer nila sa mga oras na ‘yun. Konti na rin naman ang naka-display nilang paninda; ilang pirasong chichirya ang nakasabit at ilang bote ng kendi ang nasa istante.

Maya-maya pa ay nasa harapan ko na siya at nakiupo na rin dala-dala ang isang baso at ang nabiling alak. Nginitian ko siya. Simpleng ngiti lang na parang nagsasabing ‘thank you’. ‘Di ko alam kung ano sasabihin ko. Andun pa rin talaga ang kaba ko.

“Pormang highschool ka lang ah”, komento niya habang nakangiti rin.

“Eh ganito talaga kasi ako eh” nahihiya ko pang tugon.

Nagsalin na siya na ng kaunting alak sa baso tapos ay itinapon din naman sa sahig ang laman. “Para sa demonyo” nakangiti siyang sumulyap sa akin.

“Kailangan ba talagang ginagawa ‘yan?” curious kong tanong.. Madalas ko na rin kasing nakikita ang ganoong ritwal tuwing may napupuntahan akong inuman.

“Ewan ko. ‘Yun sabi nila eh” simpleng sagot niya sabay lagok ng pangalawang lagay niya na alak sa baso. Pagkatapos ay pinuno niya uli ang baso at ibinigay sa akin. “Oh sayo naman. Bottom’s up.”

Nakangiti kong inabot ang baso sabay inom. Mapait ang hagod nito sa lalamunan dahil rin hindi gaanong malamig. Pero pinilit ko itong ubusin. Hindi ito ang first time kong uminom kaya alam ko na sa una lang ito mapait. Matapos ang ilang palitan ng baso, unti-unti na ngang nawawala ang pait. Swabe na. At unti-unti ay nararamdaman ko na rin na gumagaan na ang pakiramdam ko, para akong lumulutang sa kawalan. Ever since natuto akong tumoma, never ko namang na-train ang sarili ko na ‘wag kaagad malasing. Mahina ang tolerance ko sa alcohol. Pero uminom pa rin ako ng uminom. Hindi pa naman ganun kataas ang amats ko. Alam ko pa ang ginagawa at sinasabi ko. Inalok niya ako ng yosi pero tumanggi ako. Hindi talaga ako nagyoyosi ever.

Swabe lang ang naging takbo ng usapan namin. Tungkol sa mga buhay-buhay namin at mga kinahihiligan. Simula’t sapul alam kong hilig na niya ang magsulat. Kaya nga kami nagkakilala ay dahil nagustuhan ko ang mga nasulat niyang kwento online. Puno ng humor ang tema ng kwento niya kaya naman napukaw niya ang atensyon ko. Naging fan ako hanggang sa naging friends at chatmate sa Facebook. He’s two years older than me kaya hindi na ako nagulat na mas malalim ang pananaw niya sa buhay kesa sa akin.

When online, madaldal siya. Maraming kwento tungkol sa pag-ibig, pagkain, horror at kung anu-ano pang kaanuhan sa mundo. ‘Yung tipong pagka-chat mo siya, you’ll never get bored. But tonight is different. Parang ibang tao ang kaharap ko. Mas marami ‘yung moment na seryoso siya. Or maybe hindi ko lang makuha ‘yung humor behind his stories because deep inside, I’m trembling.

I’m not sure if he can hear the anxiousness in my laughs but as much as possible, ayoko na malaman pa niya ‘yun. I want to come out strong. I don’t want him to worry. I don’t want him to have second thoughts about me.

Patuloy ang kwentuhan. Patuloy din ang inuman. Ayokong umangal na hindin ko na kaya kahit nararamdaman kong malapit na. I can see the signs. Hindi ko na naririnig ang mga tawa ko. Wala ng nagpi-filter sa mga salitang pinapakawalan ko. Okay lang ‘yun. Wala na rin naman akong pakialam kung ano na ang lumalabas sa bibig ko. Dahil aware naman ako na the fact na nandito ako sa harap niya ngayon, alam ko na na hindi ko na dapat pang ipakita na may dignity pa akong pinangangalagaan. I know, at this moment, sinira ko na ang sarili ko sa kanya. Worse is I don’t even care about that anymore. Because tonight, all I want to do is to get out of myself and just forget who I am. Just for tonight.

“So tara na?” yaya niya. Doon ko lang napansin na ubos na pala ang iniinom namin.

“Okay, taralets.” At sumunod na ako ng tayo.

Maraming iskinita ang nilusutan namin. Di ko na minemorya ang bawat pagliko dahil na rin sa medyo hilo na rin ako dahil sa nainom. Hindi naman kadiliman kaya wala rin akong naramdamang takot sa lugar. Besides, alam kong less harmful ang lugar dahil amoy ko ang atmosphere ng pagiging probinsiya nito. Nanunuot sa balat ang hanging dala ng gabi. Nakakapanginig to the point na parang gusto kong maihi. Naalarma ako, oo nga, parang sasabog na ang pantog ko. Isa ito sa ayoko pag nakakainom.

“Andito na tayo.”

Nakahinga ako ng maluwag. Sa wakas nakarating din. Pinagmasdan ko ang paligid. Dikit dikit ang mga bahay. Napakatahimik ng paligid. Walang senyales ng mga gising na tao. Mabuti yun, walang makakakita sa akin. Walang mag-uusisa.

“Pasok ka”, yaya niya pagkabukas ng pinto. Tumalima naman kaagad ako. Pagkapasok ay pinakiramdaman ko kaagad ang bahay.

So dito pala siya nakatira. Hindi naman ganun karangya ang bahay. Tamang sala lang, may kainan sa isang sulok. May dalawang magkatabing pinto na malamang isa doon ay ang kwarto niya.

“Nasan mga kasama mo sa bahay?” pabulong kong tanong sa kanya.

“Tulog na.” pabulong rin nyang sagot. At pagkatapos ay pumasok na sa isa sa magkatabing pinto. “Dali dito ka.” Yaya niyang may kasamang kaway ng kamay. Ramdam ko ang pagmamadali sa boses niya. Naintindihan ko naman yun. Well, what we’re about to do is something na dapat ay wala talagang makakaalam.

Mabilis ngunit walang ingay akong pumasok sa kwarto niya. Feeling ko tuloy para akong akyat-bahay na dapat magdahan-dahan sa gagawing krimen.

Krimen. Ang dahilan kung bakit ako pumasok sa maliit at madilim na kwarto na ito. I shivered at the thought of it. At muli naalala kong naiihi nga pala ako.

“Uhmm pwede bang makiihi muna? Hindi ko na talaga kaya eh”.

“Okay. Paglabas mo, sa kanan andun yung cr.”

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sumilip muna. Mahirap na. Baka madisgrasya ay hindi pa matuloy ang mga plano namin. Luminga ako sa kanan. Di naman ako nahirapang hagilapin ng tingin ang CR. Pa-tiptoe ko itong tinakbo. At walang patumpik-tumpik na umihi. Nang matapos ay nakaramdam na ako ng ginhawa, nawala na ang bigat ng pantog ko. Pa-tiptoe na uli akong bumalik sa kwarto.

Pagbukas ng pinto, kahit madilim, ay alam kong siya na yung nakahiga sa kama. Naramdaman kong parang may bumabara sa lalamunan ko habang ipinipinid ang pinto. Bumilis ang pag-pump ng puso ko. Parang nagkabuhol-buhol ang small and large intestines ko.

“Uy lika na”, bulong niya.

Mabigat ang mga paang sumampa ako sa kama at humiga sa tabi niya. Hindi ko alam kung naramdaman ba niya ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung narinig ba niya ang pagsinghap ko nang dumantay ang mga kamay niya sa katawan ko.

Napaigtad pa ako ng bumulong siya sa tenga ko. “Wag kang maingay, nasa kabilang kwarto lang sina inay.”

Hindi ko na alam kung papaanong isa-isang natanggal ang mga damit namin. Namalayan ko na lang ang nakakapasong init nang magdikit ang aming mga hubad na katawan. At this point alam kong wala ng atrasan, wala ng bawian. I know this is stupid – having sex with someone na first time mo pa lang makita. And for a stupid reason.

May naririnig akong sigaw sa utak ko na “Oh please, itigil mo na ‘tong kalokohan na ‘to. This is not right. Just stop!”

Ngunit habang gumagapang ang mga labi niya sa katawan ko, unti-unti namang nagpe-fade ang sigaw na ‘yon. Natatabunan ng impit na ungol. And there’s the rythym of his moves na unti-unti ay nasasabayan ko na.

A moment later, pabagsak siyang tumabi sa akin. Pawisan while catching his breath. Tahimik lang akong nakiramdam. Biglang andami daming mga bagay na nag-invade sa isip ko. Ang daming tanong, agam-agam, takot. I bit my lips nang maramdaman ko ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.

This is the worst moment of my life.


4 responses to “THREE CHAPTERS (part one)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Not Made For One Night Stands

I write to try and make sense of it all but it usually ends up not having much sense.

Wanders of Chia

Happiness is my way of living

Doctor Eamer's Blog

PAG-IBIG ATBP.

Naked Ideation

Dive the Mind

That was Then, This is Now

Blank stares at blank pages

We Found Wonderful

Photography - Travel - Arts - Reflections

Eccentric Equilibrium

Where schizophrenia, serenity, lunacy and sanity all hang in the balance.

r....e....p....a.....h....

mga tsismis sa likod ko

A Tourist, A Traveler and A Lover of Art

I always believe that if you've experienced something extraordinary, you have no right to keep it to yourself. Paola Nazario

Deecee not Daisy

When you love, love all the way! :)

My stories

all stories u want~quotes,romance and short stories

BEAUTIFULLY BROKEN

[ mga dagling kwento, sanaysay, tula at kung anu-ano pang kaanuhan na umaapaw sa ano ko ]

Aling Baby

Oo, alam ko...alam n'yo na 'to...

Sankage Steno

Ganun talaga.

Forty Eleven Thousand Things

Vanity, travel, being bratty about motherhood, arts & crafts, the Filipino culture, life lessons, and just about fortyeleven thousand superficial anythings

Frozen Gulaman

It's Life in a Simple Frozen Treat

Liquid Druid's travel blog

Forget the big picture. Let's get lost in the details.

I Think. I Say. I Feel

Repository of all random things.

The Lurker's List

Tips and Observations. Naked Truths and Opinions.

The Muddled Corner

It doesn't get MIXED up like this!

Ewan ko!

Opinyon ko atbp..

eh sa wala akong magawa...

Walang Pakialamanan!

the odd one out...

from the outside looking in

blag bleg blig blog blug

Pagmulat ng mata, langit nakatawa sa Batibot.

%d bloggers like this: