Day 019: Sa Muling Pagbabalik


image

Naks. Ako’y nagbabalik at ipagpapatuloy ang proyekto na ito. Papatunayan kong hindi ako ningas-kugon.

I have my reasons sa paghi-hiatus ko. Umuwi kasi ako sa probinsiya namin kung saan mas mabagal pa sa pagong ang internet connection. Kaya hindi ako makapag-update. At ngayon lang ulit bumubwelo.

Sa pagbabalik ko, wala akong ibang maisip na isulat kundi ang naging karanasan ko sa mahabang bakasyon ko. Mixed emotions.

Masaya dahil after ten months, nakapiling ko ulit ang pamilya ko. Talagang buhay na buhay  ang bahay kapag kumpleto kami. Gusto ko ‘yung ipagluluto talaga ako ni mama ko ng sinigang na hipon dahil alam niyang paborito ko ‘yon. Tapos harutan bago matulog. At pahirapan ng paggising sa umaga. Hindi kasi talaga ako morning person. Usual na gising ko kapag walang pasok ay mga bandang lunch time na. Pero hindi ‘yan pwede kay papa. Subukan mong humilata pa ng 8am, ay naku sermon ang magiging agahan mo. Pero okay lang, napagtiisan ko naman kahit nakaka-badtrip.

Pero isa sa nakakalungkot na bagay ng pag-uwi ko ay ‘yung tipong mangangapa ka sa kung papanong pakikitungo ang gagawin mo sa mga taong iniwan mo. Iyong tipong you’ll start from where you left off pero sila, ang layo na ng nahakbang since the day na umalis ka. Hindi ko alam kung papano ie-explain in words but I guess you know that feeling. Iyong tipong magugulat ka pag-uwi mo na marami nang nagbago. Nahihirapan kang maka-relate sa paligid. Like yung mga taong ka-close mo noon, pagbalik mo hindi na kayo ganun ka-close. That awkward feeling na hindi mo alam kung paano ii-ignite ulit ‘yung iniwanan mong closeness niyo. Yung tipong paggising mo sa umaga, makikita mong busy ang lahat na ipinagpapatuloy yung buhay nila samantalang ikaw, nakatunganga lang, napag-iwanan na. Kasi ang naka-save lang sa utak at puso mo ay kung paano mo sila iniwan noon. At sa pagbabalik mo, yun lang din ang starting point mo. Pero sila na iniwan mo ay nagpatuloy ang buhay. At wala kang choice, ikaw ang dapat mag-adjust.

[Nakakalungkot at nakakaiyak isipin na iyong taong super excited kang makita ulit, iyong tao na super na-miss mo, iyong tao na ang dami-dami mo sanang gusto ikwento sa kanya ay nagbago na. O ako ba ang nagbago? Hindi ko rin alam eh. Not even a single word was exchanged between us. Siguro nga, as I always conclude, kasalanan ko nga. Because I went away.]

Owmaygas, nagiging madrama na ko. Kaylangan nang itigil ‘to. Now na. Mismo.

Oh about the picture. Yan yung puno sa harap ng bahay namin sa Bohol. Umalis ako noon maliit pa yan, pagbalik ko mas matangkad na sa akin. Dats ol.

Posted from WordPress for Android


7 responses to “Day 019: Sa Muling Pagbabalik

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Not Made For One Night Stands

I write to try and make sense of it all but it usually ends up not having much sense.

Wanders of Chia

Happiness is my way of living

Doctor Eamer's Blog

PAG-IBIG ATBP.

Naked Ideation

Dive the Mind

That was Then, This is Now

Blank stares at blank pages

We Found Wonderful

Photography - Travel - Arts - Reflections

Eccentric Equilibrium

Where schizophrenia, serenity, lunacy and sanity all hang in the balance.

r....e....p....a.....h....

mga tsismis sa likod ko

A Tourist, A Traveler and A Lover of Art

I always believe that if you've experienced something extraordinary, you have no right to keep it to yourself. Paola Nazario

Deecee not Daisy

When you love, love all the way! :)

My stories

all stories u want~quotes,romance and short stories

BEAUTIFULLY BROKEN

[ mga dagling kwento, sanaysay, tula at kung anu-ano pang kaanuhan na umaapaw sa ano ko ]

Aling Baby

Oo, alam ko...alam n'yo na 'to...

Sankage Steno

Ganun talaga.

Forty Eleven Thousand Things

Vanity, travel, being bratty about motherhood, arts & crafts, the Filipino culture, life lessons, and just about fortyeleven thousand superficial anythings

Frozen Gulaman

It's Life in a Simple Frozen Treat

Liquid Druid's travel blog

Forget the big picture. Let's get lost in the details.

I Think. I Say. I Feel

Repository of all random things.

The Lurker's List

Tips and Observations. Naked Truths and Opinions.

The Muddled Corner

It doesn't get MIXED up like this!

Ewan ko!

Opinyon ko atbp..

eh sa wala akong magawa...

Walang Pakialamanan!

the odd one out...

from the outside looking in

blag bleg blig blog blug

Pagmulat ng mata, langit nakatawa sa Batibot.

%d bloggers like this: