Day 024: Cup Noodles


image

Nung bata pa ako, kapag gising pa ako ng ganitong alas dose ng hatinggabi, takot ang nararamdaman ko, takot na baka may biglang sumulpot na mumu. So magtatalukbong ako ng kumot at pipilitin ang sarili na makatulog.

Pero ngayong malaki na ko. Tsk, sige na nga. Ngayong dalaga na ako, gutom na ang nararamdaman ko pag sapit ng alas dose ng hatinggabi at gising pa ko. Hirap akong makabalik ng pagtulog pag sinumpong ng gutom. Kaya ref ang hinahalukay ko kapag ganyang moment. Nasa tiyan ko na pala ang mumu. Haha. Tulad ng gabing ito.

Swerte may nakaimbak akong cup noodles. Seafood flavor favorite ko.

And speaking of cup noodles, may isang tao akong naalala pag lumalamon ako ng cup noodles in the middle of the night. Eto na magkukwento na nga.

Isang gabi, ganito ring oras, hatinggabi, inatake kami ng gutom. Niyaya ko siya sa 7Eleven na malapit lang sa tinutuluyan namin. Pagdating dun, yung seafood flavor kaagad dinampot ko. Sa kanya, chicken flavor ata yun. Binayaran namin sa counter. Tapos tinanong namin sa counter kung nasaan yung hot water nila. Dun na rin kasi namin plano kainin yun. Tinuro naman niya. So lapit kami dun. Eh kaso mga ignorante kami sa ganung makina. Litong lito kami kung anong button ba pipindutin para sa hot water. Ang tagal lang namin nakatitig dun. So I was the first one to take the risk. Pinindot ko yung isa. Syetness! Kape yung lumabas. Nagpanic ang lola mo. Adrenaline rush. Tinanggal ko kaagad yung noodles ko then I grabbed the paper cups na nandoon sa gilid at doon ko isinahod yung natirang tumulo na kape. Pero yung noodles ko, may bahid na ng kape. Then napagpasyahan namin na magtanong na sa kinauukulan. Si Manong Guard ang tumulong sa amin. Kahit nakakahiya dahil ang daming tao nun doon. So yung kasama ko, tumama. Hot water ang sa kanya. Dinagdagan ko na rin ng hot water yung sa akin. Siguro mga kalahating kape, kalahating tubig ang nailagay ko sa seafood noodles ko. Yung kape na nasahod namin, binayaran naman namin sa counter.

Tapos umupo na kami doon. Lumung-lumo ako. Tinikman ko yung noodles ko. Pweh! Hindi ko maintindihan ang lasa. Kahit gutom na gutom na ako, hindi ko naman maatim na ubusin yung bunga ng katangahan ko. Napatingin sa akin yung kasama ko. Naawa siya sa akin. Pero nakangiti, nanunuksong ngiti. Sabay sabing “Sige na sayo na lang itong sa akin. Palit tayo.”

Sabi ko, “Pano ka?”

Kinuha niya sa akin yung seafood noodles tapos binigay sakin yung sa kanya. Tapos tinikman niya yung noodles ko. “Okay lang naman, di naman masyadong nalalasahan yung kape.”, sabi niya.

“Weh, ampangit kaya ng lasa.” Nakasimangot kong sagot.

“Okay nga lang. Sige na sayo na lang yan. Akin na ‘to.” Nakangiti pa rin siyang nanunukso pero alam ko namang sincere sya sa offer niya. He’s so sweet. Hehe.

So ayun, nilantakan ko na yung inoffer niyang noodles. Pero di ko inubos. Tinirhan ko naman siya. Hindi rin kasi ako mahilig sa chicken noodles. Yung seafood talaga nga kasi peyborit ko.

Pagbalik namin sa room, tawa pa rin kami ng tawa sa katangahan namin. Siguro kung ibang tao kasama ko noon, magiging most embarassing moment ko yun sa mga fifill up-an ko na slumbooks. But since siya ang kasama ko, walang kyeme-kyeme. Nakakaya kong ipagmalaki ang katangahan na yun. Dahil pagdating sa kanya, walang hiya ako. Haha. Kahit siguro mangulangot o umutot ako sa harapan niya, hindi ako mahihiya. That’s one thing I like about him. ‘Cause I can be me when I’m with him.

Yun lang po. Tama na ang pagiging mais. Burp!

Posted from WordPress for Android


15 responses to “Day 024: Cup Noodles

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Not Made For One Night Stands

I write to try and make sense of it all but it usually ends up not having much sense.

Wanders of Chia

Happiness is my way of living

Doctor Eamer's Blog

PAG-IBIG ATBP.

Naked Ideation

Dive the Mind

That was Then, This is Now

Blank stares at blank pages

We Found Wonderful

Photography - Travel - Arts - Reflections

Eccentric Equilibrium

Where schizophrenia, serenity, lunacy and sanity all hang in the balance.

r....e....p....a.....h....

mga tsismis sa likod ko

A Tourist, A Traveler and A Lover of Art

I always believe that if you've experienced something extraordinary, you have no right to keep it to yourself. Paola Nazario

Deecee not Daisy

When you love, love all the way! :)

My stories

all stories u want~quotes,romance and short stories

BEAUTIFULLY BROKEN

[ mga dagling kwento, sanaysay, tula at kung anu-ano pang kaanuhan na umaapaw sa ano ko ]

Aling Baby

Oo, alam ko...alam n'yo na 'to...

Sankage Steno

Ganun talaga.

Forty Eleven Thousand Things

Vanity, travel, being bratty about motherhood, arts & crafts, the Filipino culture, life lessons, and just about fortyeleven thousand superficial anythings

Frozen Gulaman

It's Life in a Simple Frozen Treat

Liquid Druid's travel blog

Forget the big picture. Let's get lost in the details.

I Think. I Say. I Feel

Repository of all random things.

The Lurker's List

Tips and Observations. Naked Truths and Opinions.

The Muddled Corner

It doesn't get MIXED up like this!

Ewan ko!

Opinyon ko atbp..

eh sa wala akong magawa...

Walang Pakialamanan!

the odd one out...

from the outside looking in

blag bleg blig blog blug

Pagmulat ng mata, langit nakatawa sa Batibot.

%d bloggers like this: