Day 040: The Forgotten


image

This is the picture of the stuffed toy bear na nakulong sa cabinet ko for 10 months at kung hindi pa ako naglinis ng room nung kapaskuhan eh hindi ko pa siya maaalala.

Bigla akong nakaramdam ng awa kaya tinanggal ko siya sa pagkaka-plastic.

Hatinggabi noon ng February 13, napadpad ako sa Malate. Hahaha. Ewan ko ba, nayakag ako ng loko na yun. Nasa isang bar daw sila doon ng isa pa niyang kabarkada (na naging friend ko na rin), sumunod daw ako. Sumunod nga rin naman ako. We went into two bars, first sa maingay then nung nagsawa na lumipat kami doon sa tahimik lang at nakuntento sa kwentuhan at billiards.

So ayun, pagpatak ng Valentine’s day, kaming tatlo ang magkaka-date.

Mag-uumaga na nung napagpasyahan naming lisanin ang lugar. Habang naglalakad-lakad kami, naghahanap ng makakainan, nakita namin nagkalat sa kalye yung mga nagtitinda ng red roses at stuff toys. Na-realize naming Valentine’s Day na pala. So ayun kami-kami rin ang nagbatian. Yung si loko biglang humirit sa friend nya, “Uy pare bilhan mo naman si Tet ng bulaklak.” Sumunod naman kaagad si friend, nawala sa eksena, andun na sa bangketa, ke aga-aga eh bumibili na ng stuff toy. Maya-maya pa bumalik na siya bitbit yung binili niya ibinigay sakin. And I said thank you. Tapos pumasok na kami sa namataan naming kainan para mag-almusal ng arroz caldo at mami, pantanggal ng amats.

At eto na nga yung stuff toy na yun. Originally, nakapatong ito sa basket na may nakatusok na heart na may nakasulat na Happy Valentine’s Day tapos nakabalot sa transparent na plastic. Kahit papano na-touch ako dun. First time na may guy na nagbigay sa akin ng any stuff na patungkol sa Valentine’ s Day (except sa mga close friends ko na girls).

Eto yung twist: Yung bumili at nagbigay ng stuff toy na ‘to, may girlfriend na that time, may anak na rin. Naging close ko lang dahil kay loko, nakakasama namin minsan sa inuman. Pero ngayon wala na kong balita sa lalaki na to. Matagal na kaming walang communication. Ayoko na rin makipag-communicate pa. Mejo may hinanakit rin ako sa kumag na ‘to. Alam ko namang may gf at anak na siya noon pa pero syempre mejo may pagkabaliw rin ako sinasakyan ko minsan yung pa-flirt-flirt niya. Pero hindi dahil may gusto ako sa kanya. Ewww. Haha. Kundi dahil baliw lang talaga ako, makulit, playful. Pero walang masamang intention.

Kaya nga one time nagulat ako, in-add ako nung gf niya sa Facebook. Ay naku nagpanic ang lola mo! Sumumpang di na muling lalandi pa. Joke. Haha. Uy ibang topic na yan. Stop na tayo sa point na yan.

Isa pang twist: Si loko, yung isa pa naming kasama, siya ang crush ko. Alam niyang crush ko siya. Syempre kasi umamin ako noon sa kanya. Haha. Pero wala na yun, limot na namin yun. No more awkward feelings. Stop na ulit tayo sa topic na yan.

Bumalik na tayo kay teddy bear. Itatapon ko na sana siya kasi hindi ganun kaganda ang mga alaala niyang dala. Kaya nga natambak ko na lang siya noon sa cabinet ko. But then habang tinititigan ko siya, parang nakakaawa yung mga mata niya. I know the feeling of being unwanted and forgotten. So I think I’m gonna keep him with me na muna. Baka magkasundo rin kami balang-araw. ^_^

Posted from WordPress for Android


3 responses to “Day 040: The Forgotten

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Not Made For One Night Stands

I write to try and make sense of it all but it usually ends up not having much sense.

Wanders of Chia

Happiness is my way of living

Doctor Eamer's Blog

PAG-IBIG ATBP.

Naked Ideation

Dive the Mind

That was Then, This is Now

Blank stares at blank pages

We Found Wonderful

Photography - Travel - Arts - Reflections

Eccentric Equilibrium

Where schizophrenia, serenity, lunacy and sanity all hang in the balance.

r....e....p....a.....h....

mga tsismis sa likod ko

A Tourist, A Traveler and A Lover of Art

I always believe that if you've experienced something extraordinary, you have no right to keep it to yourself. Paola Nazario

Deecee not Daisy

When you love, love all the way! :)

My stories

all stories u want~quotes,romance and short stories

BEAUTIFULLY BROKEN

[ mga dagling kwento, sanaysay, tula at kung anu-ano pang kaanuhan na umaapaw sa ano ko ]

Aling Baby

Oo, alam ko...alam n'yo na 'to...

Sankage Steno

Ganun talaga.

Forty Eleven Thousand Things

Vanity, travel, being bratty about motherhood, arts & crafts, the Filipino culture, life lessons, and just about fortyeleven thousand superficial anythings

Frozen Gulaman

It's Life in a Simple Frozen Treat

Liquid Druid's travel blog

Forget the big picture. Let's get lost in the details.

I Think. I Say. I Feel

Repository of all random things.

The Lurker's List

Tips and Observations. Naked Truths and Opinions.

The Muddled Corner

It doesn't get MIXED up like this!

Ewan ko!

Opinyon ko atbp..

eh sa wala akong magawa...

Walang Pakialamanan!

the odd one out...

from the outside looking in

blag bleg blig blog blug

Pagmulat ng mata, langit nakatawa sa Batibot.

%d bloggers like this: