Unang Pag-Ibig


tumblr_mzzsasNph91rxq5upo1_500

Haysus, alam ko namang lahat tayo’y makaka-relate kapag usaping first love na. Well, sino ba namang walang first love diba? Nasuklian o hindi man nasuklian ang first love mo na yan, I’m pretty sure hinding-hindi mo yan makakalimutan (unless nagka-amnesia ka na syempre mejo imposible dahil sa mga drama at pelikula lang yun nangyayari). Sa totoo lang, I love hearing first love stories. Tipong wala akong kebs kung sino at paano kayo nagkakilala ng jowawers mo ngayon, basta ang gusto ko ikwento mo yung first love mo!

So mauna na ako makwento hah.

——————————————————————

I knew him since grade 5. Hindi kami magka-section so hindi ko pa siya gaano kakilala nun. Pagtuntong ng grade 6, same section na kami. My first impression: gwapo pero mayabang mayabang pero gwapo naman. (I don’t like describing him as cute. ‘Coz he’s deeper than that. Naks.) During classes I doubt kung napapansin din ba niya ako. Malikot kasi siya, maharot, maingay. Ako naman tahimik lang, mahiyain at kahit matalino ay punong puno pa rin ng insecurities sa katawan dahil alam ko wala ako sa kalingkingan ng  ganda ng mga babae na nakapalibot sa kanya. Bata pa lang kasi heartthrob na ang mokong.

Pagtuntong ng highschool, classmates pa rin kami. Hindi ko akalain na mas lalong titindi ‘yung paghanga ko sa kanya lalo na’t alphabetical ang seating arrangement namin. Dahil sa  natatangi kong apelyido, napunta ako sa bandang likod. Siya naman ay hindi nalalayo sa akin, abot-tanaw ko lang din. Kita mo nga naman kapag sinuswerte diba?  Makalipas ang ilang linggo at buwan, nagkalimutan na sa seat plan. Yung mga babae nagsilipatan na sa harapan lalo na yung mga naiingayan sa likod. Ako lang ang natataning loyal sa seat plan ko. Kasi naman yung mga boys, gaya ng inaasahan, nagsilipatan sa bandang likod lalo na yung mga maiingay at pasaway. At sa akin sila nakapalibot. Advantage daw yun sa kanila lalo na kapag may exams. Sadyang hindi kasi ako madamot pagdating ng mga exams at kahit oral exams pa. Hindi ako katulad ng ibang matatalino sa klase namin na masyadong sineseryoso ang mga grades. I’m a cool person kahit tahimik lang. First honor pa rin naman ako nun kahit ganun. Kaya rin naman ako naging mapagbigay ay dahil sa kanya. Tuwing exams kasi nagiging ka-close ko siya. Hahaha. Bakit ba? Gusto ko lang makatulong. Hahaha. Simula noon, napansin ko na napapansin na niya ako. And it made my heart flutters lalo na kapag binabati na niya ako. Sabi ko, “Waw may improvement”.

Dumaan ang mga araw, nagbibinata na rin siya at mas lalo siyang nagiging ‘hot’ sa paningin ko. Landi lang eh. Eh ako, parang bata pa rin, maliit lang, payat, mahiyain pa rin. Naiimagine mo na ba kung gaano kalayo yung agwat namin sa isa’t isa? Kasi ako nung time na yun, OO. At ang sakit-sakit sa heart kapag nakikita ko na meron siyang ibang nililigawan or nilalandi. Sa sobrang sakit, halos sumabog na yung puso ko. Gusto kong ipaalam sa kanya na mahal ko siya, pero paano? Kapag kaharap ko na siya, natatameme na lang ako.

Until that time came. I reached my limit. Sumabog ako at inamin sa kanya lahat ng nararamdaman ko. Na mahal ko siya. Na nasasaktan ako dahil alam ko namang kahit kelan ay hindi naman niya rin ako mamaahalin. Dahil sino nga ba naman ako diba?  Isang nerdy payatot na tatanga-tangang na-in love sa kanya.

Second year high school na kami noon. Hindi ko alam kung gaano kabagsik yung sumapi sa akin. Nakita ko na lang ‘yung sarili ko na pasikretong inilalagay ‘yung love letter na ginawa ko the night before sa bag niya habang walang tao sa room namin. Tapos nagmamadali akong lumabas ng room. Nang nasa labas na, naramdaman kong humiwalay na ‘yung sapi sa katawan ko. Nang ma-realize ko ang mga pangyayari, gusto kong bumalik sa room para kunin ‘yung ipinuslit kong sulat sa bag niya. But it was too late. Nagdatingan na ‘yung iba naming mga classmates.

Sa buong araw na ‘yun ang hitsura ko ay parang ‘di matae. Sumisikip ang dibdib, hindi ako makapag-concentrate sa lessons. Tapos nung hapon na, last subject namin ay maglinis sa school ground. Ewan ko rin ba, naturingang private school pero walang ma-hire na janitor para maglinis. Katwiran ng eskwelahan, makakatulong daw ‘yun sa aming kinabukasan. Duh! Haha. Ang oras ng paglilinis ay oras din nang tsismisan sa amin. Kanya-kanyang tumpok, kanya-kanyang grupo. Habang kasama ko ang mga barkada ko, hindi ko naiwasang mapatingin sa grupo nila. Doon ko nalaman na nabasa na niya NILA ‘yung sulat ko para sa kanya. Kahit malayo ay naririnig ko ang hagikhikan at mga tuksuhan. Nag-panic ang lola mo teh! Parang sasabog ang isip at puso ko sa dami ng iniisip.

Wait! Pinalitan ko naman ‘yung penmanship ko dun diba? Imposibleng malaman nila na sa akin galing ‘yun. Teka, ano ba nilagay kong signature doon? Di naman siguro ako ganun ka-careless para isulat ang pangalan ko. Basta sigurado ako Wonderwoman ang ginawa kong code name doon. Sigurado nga ba talaga ako? Oo! Pero bakit parang dito sila banda nakatingin? Ako ba pinag-uusapan nila? Of course not, imposible ‘yun. ‘Wag kang paranoid. Kalma lang. Kalma.

Pero sheeeeet! Hanggang gabi, hindi ko mapakalma ang sarili ko. Lord, bakit ko ba ginawa ‘yun? Can you please turn back the time? Gusto kong bawiin ang sulat na ‘yun. I heard hindi siya ang nagtago ng sulat kundi ‘yung mga friends niyang girls na tsismosa. Oh please please please. Nadala lang ako ng damdamin ko. I promise to keep the feelings inside me na lang. Just please Lord, please turn back the time.

Pero hindi pinakinggan ni Lord ang dasal ko nang gabi na ‘yun. Kinabukasan, ganun pa rin ang eksena. Paranoid pa rin ang lola mo. Hanggang sa lumipas ang ilang mga araw, linggo, buwan. Nasanay na rin akong ma-paranoid. Naging normal ang lahat, hindi ko na inalintana ang mga pangyayari.

Sus! Bakit, may ebidensiya ba sila na sa akin galing ‘yun? Kasi kung meron, dapat matagal na nila akong kinonfront diba? Tsaka as if naman mapapaamin nila ako kapag tinanong nila ako. Kahit mag-end of the world na, hinding-hindi ako aamin. Nevah!

Hanggang isang araw, pamilyar na eksena – walang ibang tao sa room, at si ako, dahan-dahan na namang nagsisingit ng sulat sa bag niya. Siguro once every month eh may sulat siyang natatanggap sa akin. Lumakas ang loob kong ulit-ulitin ang krimen dahil nga hindi naman ako nahuhuli. At gumagaan na ang pakiramdam ko kapag naibubulalas ko sa kanya lahat ng saloobin ko kahit sa sulat lang.

Ang code name na ginagamit ko sa mga sulat ay Wonderwoman. Ang laging laman ng mga sulat? Kung gaano ko siya kamahal, na naiinggit at nagseselos ako sa mga babaeng nakapalibot sa kanya dahil mas close sila, kinakausap niya, katawanan niya, samantalang ako sa sulat ko lang siya nakakausap at ni hindi ko man lang alam kung anu-ano ang mga sagot niya sa sulat ko. Kung mahal niya rin ba ako. I remember saying na aalagaan ko siya, tutulungan, na ako ang superhero na magliligtas sa kanya kapag may problema o nahihirapan siya. Naaalala ko pang kinakantahan ko siya kahit sa sulat lang. For You I  Will by Monica

Nakakatawa nga na nakakakilig din kapag nakikita ko sa mga slumbooks na kumakalat noon sa klase na ang favorite song niya ay “For You I Will” na rin. Dahil kaya ‘yun sa akin? Tapos nakalagay sa “Who is your crush?” niya ay Wonderwoman. Sa isip ko sana totoo at hindi ka lang nadadala ng tuksuhan. Minsan din nawi-wish ko na sana, kahit konti lang, pagdudahan mo rin na ako ‘yun.

Minsan nga ilang araw siyang lumiban sa klase dahil naaksidente daw siya. Nalungkot ako, namimis ko kasi yung kaingayan niya sa klase. Tapos narinig ko sabi nung isa niyang friend “Bakit hindi siya niligtas ni Wonderwoman?”

Bakit nga ba? Dahil ang totoo, hindi naman totoong ako ang Wonderwoman niya. Si Wonderwoman malakas. Eh ako? Sa sulat lang ako malakas. Sa sulat lang ako matapang. But deep inside, I’m just a little girl scared of my own feelings.

Third year high school, I think last quarter na rin yun ng school year. I changed my strategy. Hindi na kasi ako makakuha ng timing na ilusot yung sulat ko sa kanya. So pumunta ako ng post office dala-dala yung sulat ko para sa kanya. Buti na lang busy ‘yung tao dun, di na niya tiningnan yung nakalagay na address sa sobre. Haha. Kasi naman, sampung tumbling lang ata ‘yung layo ng post office sa school namin. Nang makita kong nailagay na niya sa dropbox yung sulat ko ay kampante na akong umalis ng post office. Pero mantakin mo, inabutan din ata ng 4-5 days yung sulat bago nakarating sa kanya. Tsk tsk. Dahil sanay na ako sa eksenang pagpapasa-pasahan ng mga barkada niya ‘yung sulat ko para sa kanya, nakaupo lang ako at nakatitig sa kanila. Deadma. Pero biglang lumakas ‘yung tibok ng puso ko nang marinig ko sabi nung isa naming classmate “Hala, familiar ‘tong handwriting na ‘to!”

Shit! Nakalimutan ko nga palang palitan ‘yung handwriting ko sa sobre dahil nagpapanic at nagmamadali ako noon sa post office.

That moment, gusto kong bumuka ang lupa at lamunin ako. Biglang gusto kong maglaho sa room na ‘yun, sa harapan nila. Paulit-ulit kong nauulinigan ‘yung pangalan ko na binabanggit nila. Sigurado akong sigurado sila na sa akin nga ‘yun galing.

Hindi ko alam kung paano ko na-survive ang araw na ‘yun. Buti na lang din at walang naglakas ng loob na i-approach ako para i-confirm ang mga pangyayari. Di ko na siguro talaga kakayanin kapag nangyari pa ‘yun. Kinabukasan, tamad na tamad akong bumangon at pumasok. No, ayoko na talaga sanang pumasok noon. Pero mapapagalitan ako ng mga magulang ko. Hindi ko makayang magkunwaring may sakit ako.

Pagdating sa school, I tried to act normal. Pilit kong dinededma ‘yung mga titig niya, ‘yung mga pagpaparinig ng mga kaibigan niya. Naiinis ako noon sa mga kaibigan niya. Bakit ba parang sila ‘yung super affected. Eh siya nga normal lang naman, tahimik lang. Minsan nagkahulihan kami ng tingin at siya pa ‘yung nahihiya at unang umiwas ng tingin.

Then when I felt that I couldn’t hold it any longer, I broke down and cried. Right in the middle of the class. Buti na lang nasa bandang likod ako, yung mga katabi at kabarkada ko lang ang unang nakapansin. They kept asking “Why? What happened?” Nakakatawang isipin na kahit sa mga close friends ko, hindi ko naamin na ako si Wonderwoman kahit ilang beses na nila akong tinanong noon kung ako ba daw talaga ang may pasimuno ng “Wonderwoman issue” na ‘yan. I kept on denying. But this time, siguro alam na nila kung bakit.

Lumipas ang mga araw, wala namang confrontation na nangyari between him and me. Kapag may mga nanunuksong tanong akong naririnig, planado ang mga sagot ko. “It’s not me.” Hanggang sa nakalimutan na rin ang issue na ‘yan.

Pagdating ng fourth year, naging okay na rin naman ang lahat. Maraming nagsabi na nagbago daw ako. Mas naging close ako sa mga friends ko at sa iba ko pang classmates. Naging maingay, natutulog sa gitna ng klase, nagka-cutting classes, maraming gala, nag-o-author ng mga kodigo dahil hindi nakapag-aral the night before. And during the last few months of the school year, nakikinita ko na ang mangyayari.

Announcement ng honor students. At first honorable mention ako, third place. Maraming nagulat. Maraming nagtaka. Sino nga ba namang hindi magtataka. From first year to third year, ako lagi ang first honor. Tapos ngayong graduating na tsaka pa magiging kulelat. I remembered my mom, sumugod pa talaga siya sa school to ask what happened. Ako naman, hindi na ako nagsalita, hindi na ako nagpaliwanag. Umiiyak na lang ako ng patago. Tapos kapag kino-comfort ako ng mga kaibigan ko, mas lalo akong naiiyak. Haha. Natatanong ko pa rin ang sarili ko “Ano nga bang nangyari? Masyado ba akong naging kampante na walang makakatalo sa akin?”

Tsk. Ang nakakapagpasaya na lang sa akin noon ay kapag naririnig kong “Okay lang yan, mas matalino ka pa naman talaga sa valedictorian at salutatorian na mga yun eh. At least ikaw walang gaanong effort. Eh sila, todo aral todo review. Halatang nagpapaka-TH.” At kahit si first love, ganun din ang opinyon. Kahit daw kaibigan niya yung mga yun, nakikita daw niya na mas matalino pa rin ako sa kanila. Oh diba? Coming from him, nabuhayan ako ng loob. Mas marami pa ring naniniwala sa akin kahit sobra akong lumagapak. Sus, yung math lang naman nagpabagsak sa akin tsaka physics. Sa English, Filipino at Values Education ang taas ko kaya. Haha.

Nakakalungkot ‘yung mga huling araw ng klase. Kanya-kanyang paalaman kung anu-ano ang plano ng isa’t isa sa college. Mostly sa Tagbilaran lang magka-college. Pati si first love. Kaya nung nalaman kong nakapasa ako ng entrance exam sa MSU-IIT sa Iligan City, hindi na ako nagdalawang isip pa na doon mag-aral. Bakit daw doon eh malayo doon. Kaya ko nga doon pinili dahil malayo. Gusto kong malayo na sa lahat ng makakapagpaalala sa akin ng nasawi kong pag-ibig. Haha.

I just want to forget my first love and my first heartbreak. Ilang taon akong tahimik na nagmahal. Ilang taon din akong umasa, umiyak, nasaktan. Para sa akin tama na ‘yung mga taon na ‘yun. It’s time for me to move forward and accept na  hanggang doon lang ang lahat.

Nagmahal ako. Nasabi ko na sa kanya na mahal ko siya. Wala siyang isinukli. And that’s the end of my first love story. Now I finally realize, na hindi kagaya ng mga nababasa kong love stories sa PHR novels, ang love story ko ay hindi happy ending. Ang iniisip ko na lang, at least na-experience ko kung paano magmahal at masaktan. Kinumpleto nito ang pagkatao ko.

——————————————————-

(Tsk. ‘Yung emote ko eh umaapaw. Haha. Wish ko sana hindi niya ito mabasa. Sana walang makabasa nito na mga classmates ko. Dahil up until now, wala pa rin akong ginagawang official statement na ako nga si Wonderwoman. Mygash, pano na lang ang dignidad ko, ang puri ko. So please lang, ‘wag sana itong makarating sa kinauukulan. Haha.

Ooopppsss. Abangan ang susunod na kabanata. Minsan kasi akala natin porke nasaktan tayo eh hanggang doon na lang ang lahat at titigil/susuko na tayo. Minsan mapaglaro din ang tadhana. Antayin mo lang. Unexpectedly, may mangyayaring ni minsan ay di mo aakalaing mangyayari. Antay-antay lang.)

tumblr_mzo2oeu27q1rxq5upo1_500


8 responses to “Unang Pag-Ibig

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Not Made For One Night Stands

I write to try and make sense of it all but it usually ends up not having much sense.

Wanders of Chia

Happiness is my way of living

Doctor Eamer's Blog

PAG-IBIG ATBP.

Naked Ideation

Dive the Mind

That was Then, This is Now

Blank stares at blank pages

We Found Wonderful

Photography - Travel - Arts - Reflections

Eccentric Equilibrium

Where schizophrenia, serenity, lunacy and sanity all hang in the balance.

r....e....p....a.....h....

mga tsismis sa likod ko

A Tourist, A Traveler and A Lover of Art

I always believe that if you've experienced something extraordinary, you have no right to keep it to yourself. Paola Nazario

Deecee not Daisy

When you love, love all the way! :)

My stories

all stories u want~quotes,romance and short stories

BEAUTIFULLY BROKEN

[ mga dagling kwento, sanaysay, tula at kung anu-ano pang kaanuhan na umaapaw sa ano ko ]

Aling Baby

Oo, alam ko...alam n'yo na 'to...

Sankage Steno

Ganun talaga.

Forty Eleven Thousand Things

Vanity, travel, being bratty about motherhood, arts & crafts, the Filipino culture, life lessons, and just about fortyeleven thousand superficial anythings

Frozen Gulaman

It's Life in a Simple Frozen Treat

Liquid Druid's travel blog

Forget the big picture. Let's get lost in the details.

I Think. I Say. I Feel

Repository of all random things.

The Lurker's List

Tips and Observations. Naked Truths and Opinions.

The Muddled Corner

It doesn't get MIXED up like this!

Ewan ko!

Opinyon ko atbp..

eh sa wala akong magawa...

Walang Pakialamanan!

the odd one out...

from the outside looking in

blag bleg blig blog blug

Pagmulat ng mata, langit nakatawa sa Batibot.

%d bloggers like this: