Dear Diary,
Hours ago, I changed my Facebook relationship status from “In A Relationship” to “Single”. Good thing Facebook didn’t publicize it. I just did that out of rage. Pero now kalmado na ako. Tears already washed away the haziness. One last thing to do is to clear things up. With him.
Pero paano ko nga ba sasabihin sa kanya na ayoko na? Na nasaktan niya ako? I’m sure iniisip niya na ‘yung ginawa kong pagsusungit sa kanya kahapon and kanina ay dahil lang sa natural na toyo ko. How do I tell him na tumagos hanggang buto ang sakit? That this time, seryoso ‘yung sakit? I don’t know how to tell him na hindi ko mababanggit ‘yung pagiging pakialamera ko sa private messages niya. Di ko naman sinasadya yun. Gusto ko lang siyang lokohin, pagtripan. But then out of curiosity, nabuksan ko ang inbox niya. And as they say curiosity kills the cat. Totoo pala nga yun.
Ang dami ng naisigaw ng isip ko. Pero walang gustong mamutawi sa labi ko kundi mga impit na hikbi (dahil ayokong magising ang roommate ko). Natatakot akong sabihin sa kanya because I knew myself. That after ilang days ng pagtatampo at pagpapaliwanag niya at paghingi ng tawad, ako namang si tanga ay pipiliting ngumiti at kalaunan ay patatawarin din siya. Then back to good times. This isn’t the first time na nangyari ang ganitong issue. Never ko ring nabanggit sa kanya ‘yung mga natutuklasan ko. Dahil ayoko na rin ng gulo. Dahil may tiwala ako sa kanya.
Yes I hate him. But I can’t afford to lose him. Hindi ganun kadaling itapon yung mahigit apat na taong relationship namin. And I’ve always been a weak one, lagi kong iniisip na hindi ko kayang mag-isa, kaylangan ko siya. So isinasantabi ko lahat ng pagkukulang. And I gave him everything that I have. And I would always tell him “You own me.” He’s always been a part of me.
So I was thinking na kung makikipagbreak ako sa kanya, makakaya ko ba? Mabilis kayang lilipas ang sakit? Paano kapag tinanong ako ng mga tao? Kaya ko bang sabihin na “It’s his lost.” na walang halong bitterness? How do I tell my family about him? At the start of our relationship, sinabi na nina Mama sa akin na ayaw nila sa kanya. Pero pinaglaban ko siya to the point na halos itakwil na ako ng family ko dahil sa katigasan ng ulo ko. But now how do I tell them that they’re right and that I choose the wrong man? How do I say sorry sa lahat ng masasakit na salitang nasabi ko sa kanila noon? Kaya ko bang akuin ‘yung mga pagkakamali ko? Nai-imagine ko na ‘yung mga sasabihin ng family ko na mga pangungutya like “Tamo tamo, yan na nga bang sinasabi ko sayo. Pa-mahal-mahal ka pa, lolokohin ka din naman pala. Sinabi ko naman sa’yong ‘wag kang magtitiwala sa lalaki na ‘yan. Ginagamit ka lang niyan.”
Well tama nga ‘ata sila. Wag mong sasabihing lalaki ka lang, na normal lang matukso. Mabuti sana kung tinukso ka nga. Reading all those messages, ikaw yung unang nanghihingi ng number, ikaw yung nangre-regards, ikaw yung unang nagyayayang magala kayo. And please lang, tangina, wag na wag mo nang masasagot sa akin that you’re just being friendly. And that they’re just your friends, walang halong malisya and all those bullshit reasons! Because in the first place, kung mahal mo talaga ako, hindi mo gagawin yun. Not because I’m your girlfriend but because you respect me. Naiimagine ko kung ano yung mga iniisip ng mga babae na yun sa akin. Na kawawa naman ako, eto yung boyfriend niya nakikipag-flirt. Tangina yun yung pinaka-ayaw ko, ayokong kinakaawaan! Oo naging boyfriend ko ang kuya mo and after we broke up, pumatol ako sayo. That’s the lowest decision I’ve made sabi ng mga tao. Alam kong napakababa ng tingin sa akin ng mga tao dahil pinatulan ko kayong magkapatid. But despite that I still give you everything that I have, kung ano mang natira sa akin. But please itira mo naman sakin yung pride ko, yun na lang meron ako, ibalato mo na sakin yun. Sige saktan mo ako. Pero sana yung hindi na malalaman ng ibang tao. Yung tipong tayo lang makakaalam ng katangahan ko. Hiyang hiya na ako. Feeling ko ang baba-baba ko na, ang dumi-dumi ko na. Respeto lang. Please?
_________________________________________
Hindi ko alam kung matatawa o maiiyak ba ako sa mga pinagta-type ko kanina sa diary app sa phone ko. Nakakatawa dahil sa haba ng sinabi ko sa diary ko, until now wala pa rin akong nababanggit sa kanya. Nakakaiyak dahil pucha masakit talaga.
Ewan. Bahala na.
Posted from WordPress for Android
April 8th, 2014 at 5:27 AM
para nko thet mao nay pinaka-unforgivable nga mabuhat sa isa ka tao ang mag-cheat. buhaton ra jpon na nia in the future. as they say, better be single than be with the wrong person. 🙂
April 9th, 2014 at 4:16 PM
you think so? ambot ceej, i’m still confused 😦