Day 111: Night Owl


image

I am a night person.

Nung bata pa ako, mahilig akong tumanaw sa langit tuwing gabi. Una kong hahanapin yung small dipper at big dipper na constellations. Makikita ko pero isa lang at hindi ko ma-distinguish kung siya ba yung small o big dipper.  Nakaka-amaze din ang moon lalo na kapag full moon. Madalas akong may nabubuong pattern dito. At pati na rin yung mga shooting stars. Ni minsan di ako nakapag-wish doon. Kasi naman ambilis, tsaka bata pa ako noon, mapaglaro pa ang utak, di ko sineryoso yun. Sinubukan ko ring magbilang ng mga stars. Syempre bata pa talaga ako noon, okay lang magpaka-tanga kabibilang. Actually pagtuntong ko ng grade 6 at naturuan na kami ng astronomy ay pinangarap kong maging astronaut. Oo pramis. Gandang-ganda talaga ako noon sa langit kapag gabi. Nasa probinsiya pa kami noon kaya walang hadlang sa pagtanaw.

Hindi ko naman akalain na mga signs na pala yun na magiging “night owl” ako paglaki. Ewan ko ba, mas gumagana ang utak ko sa gabi. Mas marami akong naiisip kasi mas masipag akong mag-isip sa gabi. Mas marami akong nagagawa. Mas inspired ako. Basta ganun. So most of the time, I tend to stay up late. And wake up late. Kung makikita mo ang aking timesheet sa office, namumuro ang aking tardiness (buti na lang hindi ganun ka istrikto, pero ibabawas naman sa leave credits mo). Kaya ayun pagdating sa office, hapong-hapo na kaagad ako di ko pa man naoopen ang computer ko. (Minsan naiisipan kong mag-resign na lang at maghanap ng mga night jobs. Chos!)

Ni-research ko ito. Naalarma na din kasi ako. I know this is unhealthy. Pero wala akong magawa, iba talaga body clock ko eh. I can’t do mornings with so much enthusiasm na.

So ayun nga, according sa research, night persons are prone to depression. OMG! Kaya pala I’m always depress. At dahil depress, palagi kong naiisip na uminom at mag-yosi (haha joke lang, hindi ako ganun). At dahil depress, palaging napaparami ang kain ko (akala ko dahil lang yun sa ulam). Yun ang sabi sa research na nabasa ko. Pero hindi naman purong negative ang epekto ng pagiging “aswang”.

“Some studies have shown that people who stay up late are more productive than early risers, and have more stamina throughout the length of their days. Other research has shown that night owls display greater reasoning and analytical abilities than their earlier-to-bed counterparts. Stay-up-late types, according to research, achieve greater financial and professional success on average than those people with earlier bedtimes and wake times.”

Oh diba, kahit papaano eh natuwa pa rin ako. Pero hindi ko alam kung totoo ang mga positive effects na yan. Iniisip ko pa kung anu-ano mga analytical abilities ko at kung saan banda ang financial and professional success ko. Hahaha.

So bakit ko sinasabi ang mga ito? Wala lang, nahalungkat ko lang ang picture na ‘yan sa phone ko. Kuha ko sa buwan one night noong nagbakasyon ako sa Bulacan, Looc, Occ. Mindoro last Holy Week. Na-amaze ako. Hindi siya full moon pero maganda pa rin pagmasdan. Bwiset lang yung camera ng phone ko, limitado ang zooming capacity.

Dito kasi sa Manila, di ko na nasisilayan ang buwan. At kahit ni isang bituin. Dahil busy na ako, wala ng oras para tumingala, dahil maraming nakaharang na mga nagtataasang mga buildings, dahil pinagtataguan na rin niya ako, dahil hindi ko na rin inisip na siya’y hanapin.

Pahabol. May nabasa akong quote about moon na sobrang nagustuhan ko.

image

Posted from WordPress for Android


5 responses to “Day 111: Night Owl

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Not Made For One Night Stands

I write to try and make sense of it all but it usually ends up not having much sense.

Wanders of Chia

Happiness is my way of living

Doctor Eamer's Blog

PAG-IBIG ATBP.

Naked Ideation

Dive the Mind

That was Then, This is Now

Blank stares at blank pages

We Found Wonderful

Photography - Travel - Arts - Reflections

Eccentric Equilibrium

Where schizophrenia, serenity, lunacy and sanity all hang in the balance.

r....e....p....a.....h....

mga tsismis sa likod ko

A Tourist, A Traveler and A Lover of Art

I always believe that if you've experienced something extraordinary, you have no right to keep it to yourself. Paola Nazario

Deecee not Daisy

When you love, love all the way! :)

My stories

all stories u want~quotes,romance and short stories

BEAUTIFULLY BROKEN

[ mga dagling kwento, sanaysay, tula at kung anu-ano pang kaanuhan na umaapaw sa ano ko ]

Aling Baby

Oo, alam ko...alam n'yo na 'to...

Sankage Steno

Ganun talaga.

Forty Eleven Thousand Things

Vanity, travel, being bratty about motherhood, arts & crafts, the Filipino culture, life lessons, and just about fortyeleven thousand superficial anythings

Frozen Gulaman

It's Life in a Simple Frozen Treat

Liquid Druid's travel blog

Forget the big picture. Let's get lost in the details.

I Think. I Say. I Feel

Repository of all random things.

The Lurker's List

Tips and Observations. Naked Truths and Opinions.

The Muddled Corner

It doesn't get MIXED up like this!

Ewan ko!

Opinyon ko atbp..

eh sa wala akong magawa...

Walang Pakialamanan!

the odd one out...

from the outside looking in

blag bleg blig blog blug

Pagmulat ng mata, langit nakatawa sa Batibot.

%d bloggers like this: