THREE CHAPTERS (part two)


CHAPTER TWO

Napapihit ako ng higa at naramdaman kong may kakaibang lambot ngayon ang kamang kinahihigaan ko. Hindi rin pamilyar sa akin ang amoy ng kumot na nakapatong sa katawan ko. Napabalikwas ako ng bangon. Tama, wala nga ako sa sarili kong kwarto. At nasa harapan ko ay isang lalaki na nakatapis ng tuwalya. Alam kong bagong ligo ito dahil sa basa pang buhok nito at langhap ko rin ang ginamit niyang shampoo. Natigilan ito sa pagbibihis nang makitang gising na ako at nakatunganga lang sa harapan niya.

“Oh magbihis ka na, umaga na, papasok na rin ako”, wika nito at nagpatuloy ulit sa kanyang pagbibihis.
 
Napatingin ako sa paligid ng kwarto. Maliwanag na nga at may naririnig na rin akong ingay mula sa labas. Biglang nag-alpasan ang antok at pagod sa katawan ko. Dali-dali kong pinaghahablot ang mga damit kong nagkalat rin sa kama at nagbihis na, nagsuklay, nagpabango. Pinakiramdaman ko kung deadly ba ang hininga ko. Mukhang hindi naman.Halos sabay lang din kami natapos magbihis.
 
“Ano, tara na?” yaya niya.
 
Mabilis akong tumango. Binuksan niya ang pintuan ng kwarto at lumabas na. Sumunod ako kaagad. At nagulat ako sa bumulaga sa akin. Sa sala nila ay may matandang babae na nakaupo na tantiya ko ay ang inay niya. Sa sahig naman ay may naglalarong bata na tantiya ko ay pamangkin niya. Sa mismong minuto na iyon, para akong pagong na gustong bumalik at magtago sa kwarto. Ngunit huli na ang lahat. Nakatingin na silang lahat sa akin. Kabado man ay pinilit kong ituloy ang paglalakad patungo sa may pintuan palabas ng bahay nila. Nakatungo ako habang naglalakad, gusto kong itago ang pagmumukha ko sa kanila. Hiyang-hiya ang walanghiya kong pagkatao.
 
“Tangina!” Paulit ulit na sigaw ng utak ko.
 
Nang maramdaman kong iba na ang klima, malamig na ang hangin, napa-angat ako ng tingin. Nasa labas na kami ng bahay nila, naglalakad at tinatahak ang kalsada na dinaanan din namin kagabi. Wala kaming usap-usap noon, basta patuloy lang sa paglalakad hanggang marating namin ang palengke.
 
“Kain muna tayo”, yaya niya nang may makita kaming karinderia sa palengke. Tumango lang naman ako at sumunod sa kaniya. Pinaubaya ko na sa kaniya ang pag-order. Ramdam kong gutom na gutom ako pero masama ang panlasa ko nang umaga na yun, wala akong malasahan sa lahat ng inorder niya pero pinilit ko pa ring ubusin. Mabilis akong natapos kumain, parang may hinahabol, nagmamadali. Tahimik lang kami, walang imikan. Wala akong maisip na pwedeng sabihin. Lahat ng mga nangyayari ay napaka-awkward para sa akin. Maya-maya pa ay natapos na rin siyang kumain.
 
“Okay ka na?” tanong niya.
 
Tumango lang ako na may pilit na ngiti. Pilit kong iwinawaksi ang pagkailang sa kanya.
 
“So hatid na kita sa sakayan?” tanong uli niya. At isang tango ulit ang aking naging tugon.
 
Mabilis lang kami nakarating ng highway. Tumigil kami nang nasa tapat na kami ng 7Eleven na tindahan. 
 
“Dito na lang, ako na lang tatawid sa kabila” wika ko sa kanya.
 
“Sigurado ka? Alam mo na sasakyan mo ha. Diretso na lang naman yan ng Buendia.” sagot niya.
 
Nakangiti akong tumango.
 
“Eh yung bayad mo?” 
 
Bahagya akong natawa sa sinabi niya na ‘yun. Ramdam kong naiilang siya, akala ko nga hindi na niya babanggitin pa. Mabilis akong kumuha ng isang libo sa wallet ko at iniabot sa kanya. Tinanggap niya ito at nagpasalamat.
 
“Sige, alis na ako. Bye!” at tumawid na ako sa kabilang bahagi ng kalsada. Natanaw ko ring pabalik na siya ng palengke. Hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. Hindi naman kalaunan ay may dumaan ng bus. Pinara ko ito at swerte namang hindi ito puno kaya nakakuha ako ng magandang pwesto sa tabi ng bintana.
 
Nang prente na akong nakaupo at nagsimula nang lumarga ang bus, doon pa lang ako nakahinga ng maluwag. Matapos makapagbayad sa konduktor ng pamasahe, isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko at unti-unti ay naging stable na ang tibok ng puso ko, normal nang dumadaloy ang dugo sa utak ko. Maya-maya pa, dahil marahil sa puyat, pagod at samu’t saring kaguluhan ng utak ay napasandal ako sa kinauupuan ko. Gusto kong matulog pero hindi ako mapakali. Paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang mga nangyari kagabi. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak sa ginawa kong kagagahan.
 
Hindi pa nakakalayo ang bus na sinasakyan ko ay nag-vibrate ang cellphone ko. May Facebook message siyang pinadala.
 
“Dude, thank you hah. Ang awkward nung sinisingil na kita hahaha. Pasensya na.”
 
“Okay lang yun, salamat din.” sagot ko.
 
“Ingat ka sa pag-uwi. Salamat ulit.”
 
Hindi na ako nagreply. Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko. Gusto ko sanang itanong kung ano ang masasabi niya sa ginawa namin kinagabihan. Gusto ko sanang itanong kung nagbago ba ang tingin niya sa akin. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi ko ginustong mangyari iyon. Gusto kong sabihin sa kanya ang tunay na dahilan ko kung bakit ko nagawa iyon. Gusto kong ikwento sa kanya lahat-lahat. Pero para saan pa? Nangyari na, hindi ko na mababawi, hindi ko na maibabalik pa.
 
Dahil sa pagod kakaisip, napagpasyahan ko na lamang ungkatin muli sa Facebook inbox ko ang nagawa kong katangahan.
 
Ako:     Dude, pwede mo ba akong tulungan?
Siya:     Wala akong pera.
Ako:     Bigyan kita. Have sex with me.
Siya:     Huh? Am I reading this right? Seryoso ka?
Ako:     Yes.
Siya:     Nakakaloka ka. Magkano naman? Hahaha…
Ako:     1K for one night
Siya:     Seriously, anong problema dude? Bakit bigla-bigla naman? I-share mo na lang problema mo sa akin.
Ako:     Hindi naman bigla-bigla. Pwede namang next week ‘pag free ka.
Siya:     No, I mean bakit bigla-biglang ganyan ang banat mo? May pinagdadaanan ka ba?
Ako:     Mukha na ba akong puta?
Siya:     Ewan ko, ano bang nangyayari sayo?
Ako:     Please. Just have sex with me. At least ‘pag ikaw, di naman talaga tayo personally magkakilala so we can do it casually.
Siya:     So ibig sabihin hindi lang isang beses? Ano ka ba, something’s bothering you ? And let’s assume na payag nga ako, paano yan, Makati ka, Batangas ako?
Ako:     Depende, pero kahit one time lang. Please…
Siya:     Ilang beses kapag 10k? Uy dude, ano bang pinagdadaanan mo? Nakakaloka ka sa totoo lang.
Ako:     10 nights yun hahaha. At wala pa akong 10k sa ngayon, so one night lang muna. Deal?
Siya:     Ang layo ng Makati. Ikaw na lang magpunta dito para maniwala ako sa kalokohan mo ngayong gabi. Hehe.
Ako:     Sige, ako pupunta jan. Anong araw ka ba pwede?
Siya:     Hindi ako pwede sa araw dude, sa gabi lang. Tonight gusto mo?
Ako:     No, hindi ako pwede tonight. So pwede ka kahit anong gabi?
Siya:     Yep! Para maniwala ako, pumunta ka dito bukas. One night or one round? After a round, job done na diba? Ohmaygash, babatukan kita pag ginu-good time mo lang ako hah.
Ako:     Seryoso ako dude. Sige pupunta ako jan bukas.
Siya:     Kaloka! Eh bakit nga kasi? Tska bakit sex? Bakit ako?
Ako:     Eh ikaw lang bigla naisip ko eh. Basta!
Siya:     Eh bakit nga sex? Hindi ka naman siguro nympho diba? May sakit ka ba? I mean ovarian or something like that, or gusto mo mabuntis? Kaloka! First time may nag-offer sa akin ng ganyan.
Ako:     Hindi ako nympho, wala rin akong sakit. Basta gusto ko lang, andami mo pang tanong eh. I need you.
Siya:     Tigang ang pucha. Kelan ba ang huling sex mo?
Ako:     Last month. Teka, wala ka rin namang sakit diba? Alam mo na…
Siya:     Wala, hindi naman ako callboy noh. Hahaha. At need sex ka na kaagad niyan? Sarap mong sabunutan. Hahaha. Okay sige, pumunta ka dito bukas ng gabi. I need 2k, okay? Promise, susulitin natin yang 2k mo.
Ako:     Grabe, 1k lang usapan ah. Tsaka wala akong 2k. Sa ibang gabi na lang yung 1k.
Siya:     So 2 nights. Hindi ka rin mahilig noh? Okay, ikaw bahala boss. Gawin na lang natin twice a week para magre-resign na ako sa work ko, ikaw na lang tatrabahuhin ko. Hahaha.
Ako:     Tse! Ginawa mo pa akong pangkabuhayan.
Siya:     Sige, itext mo na lang ako pag tutuloy ka. You have my number naman diba? Promise, first time ko gagawin ito. Gusto ko lang yung thrill pero nataon ka rin sa kagipitan ko kaya pumapayag ako.
Ako:     Okay, I’ll just text you. Don’t worry, first time ko rin naman gagawin ‘to.
Siya:     Ang makipag-sex?!
Ako:     Ang magbayad!
Siya:     Hahaha. Dapat talaga nag bold star na lang ako kesa nagtech at naging frustrated writer. Tama si inay, walang nabubuhay sa pagsusulat. Wahahah.
Ako:     Hahaha, baka nga ‘yan pa ikaasenso mo. And I’m going to be your first customer kung sakali. Sorry na rin dude kung ikaw ang napaginteresan ko ng kalokohan ko ha.
Siya:     Should I consider myself unlucky? Baka ma-disappoint kita, hindi ako magaling dude. Baka hindi kita ma-satisfy.
Ako:     Hahah, don’t worry, hindi rin naman ako magaling eh. So quits lang tayo.
 
Nang maramdaman kong bumibigat na ang talukap ng mata ko dahil sa pagbabasa, pinagpasyahan kong itabi na muna ang cellphone ko para umidlip nang saglit.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Not Made For One Night Stands

I write to try and make sense of it all but it usually ends up not having much sense.

Wanders of Chia

Happiness is my way of living

Doctor Eamer's Blog

PAG-IBIG ATBP.

Naked Ideation

Dive the Mind

That was Then, This is Now

Blank stares at blank pages

We Found Wonderful

Photography - Travel - Arts - Reflections

Eccentric Equilibrium

Where schizophrenia, serenity, lunacy and sanity all hang in the balance.

r....e....p....a.....h....

mga tsismis sa likod ko

A Tourist, A Traveler and A Lover of Art

I always believe that if you've experienced something extraordinary, you have no right to keep it to yourself. Paola Nazario

Deecee not Daisy

When you love, love all the way! :)

My stories

all stories u want~quotes,romance and short stories

BEAUTIFULLY BROKEN

[ mga dagling kwento, sanaysay, tula at kung anu-ano pang kaanuhan na umaapaw sa ano ko ]

Aling Baby

Oo, alam ko...alam n'yo na 'to...

Sankage Steno

Ganun talaga.

Forty Eleven Thousand Things

Vanity, travel, being bratty about motherhood, arts & crafts, the Filipino culture, life lessons, and just about fortyeleven thousand superficial anythings

Frozen Gulaman

It's Life in a Simple Frozen Treat

Liquid Druid's travel blog

Forget the big picture. Let's get lost in the details.

I Think. I Say. I Feel

Repository of all random things.

The Lurker's List

Tips and Observations. Naked Truths and Opinions.

The Muddled Corner

It doesn't get MIXED up like this!

Ewan ko!

Opinyon ko atbp..

eh sa wala akong magawa...

Walang Pakialamanan!

the odd one out...

from the outside looking in

blag bleg blig blog blug

Pagmulat ng mata, langit nakatawa sa Batibot.

%d bloggers like this: