67 months


Kanina pa ako nakatingin sa harap ng monitor ko, pinagninilay-nilayan ko kung ito na ba ang tamang panahon para magpalit ng relationship status sa Facebook. Handa na ba akong buklatin ang bagong chapter ng buhay ko? Nang biglang nag-chat sa akin ang ex-mother-in-law ko. Tinatanong kung nagka-chat ba daw kami ng anak niya, mayroon daw kasi itong gustong itanong sa anak eh kaso hindi pa daw nagtetext sa kanya, hindi naman daw niya matawagan kasi wala siyang pantawag. In short, gusto niyang ako na kumontak sa anak niya para sabihin dito yung gusto niyang sabihin. Ewan ko ba, bakit nga ba mas mabilis magreply sa jowa kesa sa magulang. Kasi itong ex-jowa ko, wala pang ilang minuto nung sinend sa kanya yung message ng madir niya ay may reply na kaagad. Then I forward his message to his mother dear. Ginawa pa akong messenger. Pero wala namang kaso sa akin iyon. Maliit na bagay. Ang pinupunto ko lamang, hindi na dapat ganon. Itigil na muna dapat ang communication. Kasi nga wala na kami.

Yes, wala na kami. I forgot the exact date. Hindi naman kasi biglaan ang nangyari. More of gradual yung naging break up. Months ago, madalas ko siyang inaaway. Tapos lalambingin niya ako tapos magiging okay na ulit kami. Months ago, inamin ko sa kanyang hindi ko na gusto yung takbo ng relationship namin, na pagod na ako sa mga texts, chats and calls niya, na naiinip na ako. And he would say konting tiis na lang daw, magkikita na rin kami. So ayun, I tried to be okay and I waited. ‘Til one night nabanggit ko na ulit sa kanya na pagod ako. Akala niya dahil sa work ko, kasi lately super hectic din ng trabaho ko. Kaya din napaka-unstable ng emotions ko lately. But no, I told him it’s not just about my job. “Pagod na ako sa lahat. Pagod na ako sa atin. Pagod na akong maghintay.”

There I said it. Na-gets naman niya kaagad. At first, ayaw pa niyang pumayag. Na kesyo pwede pa naman daw maremedyuhan. Hinding-hindi daw niya ako pakakawalan kasi mahal na mahal daw niya ako at hindi niya makakayang mawala ako sa buhay niya. Alam ko naman iyon. Kasi kahit ako mismo hesitant din nung time na yun. Hindi ko rin sigurado kung kaya ko nga. Kasi nga mahal ko siya. He asked me to hold on a little longer.

“Iyon naman ginagawa ko. Iniisip ko baka nami-miss lang kita. Iniisip ko baka tinotoyo lang ulit ako. But to be honest, this doesn’t excite me anymore. Napapagod na ako”, sagot ko.

“Hindi kita basta-basta bibitawan. Selfish na kung selfish. Pangako babawi ako sa’yo. Di ko alam gagawin ko ‘pag nawala ka pa sa akin. Hindi ako susuko”, sagot niya.

“Kahit sumusuko na ang kalaban?”

“Maayos din ang lahat. Let’s pray for that.”

Days passed and he acted like parang walang nangyari, magtetext siya ng mga kasweetan, babati ng good morning, kumain ka na ba, good night, etc. But on my part, wala na yung kilig. I replied coldly, sometimes I ignore his calls. Mas lalo akong na-frustrate. Pero hindi ko kayang magalit sa kanya. Bagkus ay naaawa ako sa kanya. Naiiyak ako pag nakikita ko yung name niya sa phone ko, new messages from him, missed calls from him. Naiinis ako sa sarili ko. “Mahal na mahal ka niya Tet, alam mo naman yun diba? Bakit mo siya nakakayang saktan ng ganyan? Bato ka ba?”

Until that night came, sabi niya “Na-realize ko you deserve to be happy. Sino ba naman ako para ipagkait sa’yo yun? Kahit masakit, kung iyon naman ang makapagpapaligaya sa iyo tatanggapin ko na. Mahal na mahal kita kaya hindi ko alam kung kakayanin ko. Pero para sa’yo pipilitin ko, kahit masakit. I guess it’s not enough na talaga. I’m sorry.”

Naiyak ako nung nabasa ko yang message niya na yan. Naitanong ko sa sarili ko kung hanggang dito na lang ba talaga? Biglang umahon yung lungkot at awa ko sa kanya.

“I’m so sorry, pinilit ko namang maging okay tayo eh. Ako lang talaga yung hindi okay. Sorry kung magulo ako. Hindi ko sinasadya. Kung ayaw mo, I can just stay.”

“Mahirap maglakad nang isang paa lang. Kung hindi ka rin lang sasabay, useless din. Sana maging matatag ka lagi sa hamon ng buhay at sana maging masaya ka sa desisyong napili mo. Kung sakaling kailanganin mo ng isang makulit na katulad ko, don’t hesitate to approach me. Andito ako lagi para sayo.”

And that’s it. We officially ended our 5 years and 7 months relationship.

Sa ngayon hindi pa masyadong nagsi-sink in sa akin ang mga pangyayari. Sa sobrang busy ko sa work, wala pa akong panahon para mag-wallow. Hindi ko pa naitotodo yung luha. Wala pa akong time magluksa. At hanggang ngayon hindi ko pa mapalitan itong lecheng relationship status ko.

(Kwento lang muna. To follow yung emotions. Di ko pa mahagilap.)


3 responses to “67 months

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Not Made For One Night Stands

I write to try and make sense of it all but it usually ends up not having much sense.

Wanders of Chia

Happiness is my way of living

Doctor Eamer's Blog

PAG-IBIG ATBP.

Naked Ideation

Dive the Mind

That was Then, This is Now

Blank stares at blank pages

We Found Wonderful

Photography - Travel - Arts - Reflections

Eccentric Equilibrium

Where schizophrenia, serenity, lunacy and sanity all hang in the balance.

r....e....p....a.....h....

mga tsismis sa likod ko

A Tourist, A Traveler and A Lover of Art

I always believe that if you've experienced something extraordinary, you have no right to keep it to yourself. Paola Nazario

Deecee not Daisy

When you love, love all the way! :)

My stories

all stories u want~quotes,romance and short stories

BEAUTIFULLY BROKEN

[ mga dagling kwento, sanaysay, tula at kung anu-ano pang kaanuhan na umaapaw sa ano ko ]

Aling Baby

Oo, alam ko...alam n'yo na 'to...

Sankage Steno

Ganun talaga.

Forty Eleven Thousand Things

Vanity, travel, being bratty about motherhood, arts & crafts, the Filipino culture, life lessons, and just about fortyeleven thousand superficial anythings

Frozen Gulaman

It's Life in a Simple Frozen Treat

Liquid Druid's travel blog

Forget the big picture. Let's get lost in the details.

I Think. I Say. I Feel

Repository of all random things.

The Lurker's List

Tips and Observations. Naked Truths and Opinions.

The Muddled Corner

It doesn't get MIXED up like this!

Ewan ko!

Opinyon ko atbp..

eh sa wala akong magawa...

Walang Pakialamanan!

the odd one out...

from the outside looking in

blag bleg blig blog blug

Pagmulat ng mata, langit nakatawa sa Batibot.

%d bloggers like this: