TINDER


So ‘eto, aaminin ko may Tinder account ako. Haha! Hmm siguro since March 2015 pa ‘ata. Na-discover ko ito noong minsang narinig kong naghuhuntahan ‘yung ofismates ko. Sabi nung isa nahuli daw niya na may Tinder account yung jowa niya. Eh ako’y hamak na tsismosa lamang so na-curious ako, na-Google ko kagad ang Tinder. At ayun na-download ko na rin. At ayun, andaming lalaki na bumalandra sa phone ko. Ewan ko ba bakit halos lalaki yung mga sumusulpot. Yung iba ang sarap pagmasdan ng abs, yung iba ang cute cute ng mga alaga nilang dogs, yung iba naka-swimming trunks habang naglulupasay sa kung saan mang beach, yung iba nasa tuktok ng bundok, yung iba may hawak na gitara, yung iba puno ng tattoo sa katawan. At marami pang king anu-anong personalidad. In fairness andami kong nakaka-match dun. Hahaha. Pero madalas dedma ko na after a few conversations. Meron kasing iba, fling ang hanap, may mas malala naghahanap ng ka-sex. Mga perverts, mga gago. Buset.

Ang hanap ko lang naman, bukod sa na-curious ako, ay kausap. I love random conversations. And yeah, naghahanap rin ng pwedeng maging kaibigan. Oo, maniwala ka. Hahaha. My boyfriend ako that time kaya pigil ang paglandi.

May nahanap naman ako, natatanging may sense kausap. We became friends. Kahuntahan ko sa gabi hanggang madaling araw (thru FB chat). Ang saya nga eh, nagja-jive yung personalities namin. We planned to meet nang personal pero hindi na naisakatuparan. Dumating sa point na ewan, bigla na lang siyang tumahimik. Dahilan niya busy na daw siya. Ayoko namang ipagsiksikan yung sarili ko sa kanya so tumahimik na rin ako. Nakakalungkot lang na kapag inaatake ako ng kapraningan at insomnia ko, sa gabi, hindi ko na siya mahagilap. Minsan iniisip ko baka may nasabi akong mali. Pero nakailang review na ako sa mga naging conversations namin, wala naman akong nakitang mali. Naging mabuti naman akong kaibigan sa kanya. Ewan! Siguro nakakasawa din talaga akong kausap. Boring siguro yung personality ko. Kaya ayun, naumay siya.

During those times na kahuntahan ko siya, tumigil na rin ako mag-Tinder. Kako, bakit pa eh nakahanap na naman ako ng matinong kausap at kaibigan.

Pero ngayon nagbabalik na ulit ako sa Tinder. Nung naghiwalay kami ng boyfriend ko, wala na akong makausap nang magdamagan lalo na kapag hindi ako dalawin ng antok.

Out of boredom, I tried to hack my ex-bf’s Facebook account. Alam ko naman kasi yung password niya dun, combination ng names namin. There, nakibasa ako sa mga private messages niya. And I found out na nakikipag-flirt na siya doon sa mga friends niyang girls. Hindi lang sa isa, marami yun. Yung tipong magrerequest siya ng good night kiss, o kaya sasabihin niya na “crush kita dati” or kaya gagamitan niya ng mga sweet endearments etc. Naisip ko, ka-rebound ba ang hanap niya? Hindi ba niya alam yung three-month rule ni Popoy?

Alam kong wala akong karapatang manumbat. Pero aaminin ko nasasaktan ako. Kasi ako hindi ko naisip yun. Dumating pa nga sa point na gusto kong makipagbalikan sa kanya. Pero nung nabasa ko yung mga messages niya na yun, napaatras ako. Tangina, masakit.

So eto, yung Tinder pinagbalingan ko.

Kahapon nga may naka-match ako, kwentuhan konti until I learn that we’re working under the same building pala. Na-excite ako so we decided to meet sa food court nung building namin. Grabe yung butterflies sa tyan ko kanina nung nasa meeting place na ako. First time ko yun. Tapos ayun maya maya pa dumating na siya.

Shet na malagkit, hindi ko siya nakilala. Parang ang layo nung pictures niya sa Tinder compare sa mukha na nasa harap ko. Slightly disappointed ang lola mo. Nag-shake hands lang kami, he asked how I’m doing. I told him busy ako sa work, na tumakas lang ako. Sabi niya siya rin daw tumakas lang din. Then after that sabi niya babalik na daw siya sa work niya kasi nga baka hinahanap na siya. Message na lang daw niya ako sa Viber. Ako naman napatango na lang. Aba, mas mahaba pa yata yung biniyahe ko sa elevator papunta dun kesa sa pagmi-meet namin. Anak ng tokwa!

So ayun, kanina pauwi nagpe-pray ako na sana hindi ko siya makasabay sa elevator, na sana hindi ko kami magkitaan sa food court during lunch or breakfast. Na sana yun na ang huli naming pagkikita. Hahaha.

Pero okay na experience din yun hah. Natatawa na lang ako. Hihihi.


3 responses to “TINDER

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Not Made For One Night Stands

I write to try and make sense of it all but it usually ends up not having much sense.

Wanders of Chia

Happiness is my way of living

Doctor Eamer's Blog

PAG-IBIG ATBP.

Naked Ideation

Dive the Mind

That was Then, This is Now

Blank stares at blank pages

We Found Wonderful

Photography - Travel - Arts - Reflections

Eccentric Equilibrium

Where schizophrenia, serenity, lunacy and sanity all hang in the balance.

r....e....p....a.....h....

mga tsismis sa likod ko

A Tourist, A Traveler and A Lover of Art

I always believe that if you've experienced something extraordinary, you have no right to keep it to yourself. Paola Nazario

Deecee not Daisy

When you love, love all the way! :)

My stories

all stories u want~quotes,romance and short stories

BEAUTIFULLY BROKEN

[ mga dagling kwento, sanaysay, tula at kung anu-ano pang kaanuhan na umaapaw sa ano ko ]

Aling Baby

Oo, alam ko...alam n'yo na 'to...

Sankage Steno

Ganun talaga.

Forty Eleven Thousand Things

Vanity, travel, being bratty about motherhood, arts & crafts, the Filipino culture, life lessons, and just about fortyeleven thousand superficial anythings

Frozen Gulaman

It's Life in a Simple Frozen Treat

Liquid Druid's travel blog

Forget the big picture. Let's get lost in the details.

I Think. I Say. I Feel

Repository of all random things.

The Lurker's List

Tips and Observations. Naked Truths and Opinions.

The Muddled Corner

It doesn't get MIXED up like this!

Ewan ko!

Opinyon ko atbp..

eh sa wala akong magawa...

Walang Pakialamanan!

the odd one out...

from the outside looking in

blag bleg blig blog blug

Pagmulat ng mata, langit nakatawa sa Batibot.

%d bloggers like this: