march 18


Para sa iyong binigyan ng taning ang pag-ibig.
Una sa lahat, bakit?
Dati sinabi mo kapag nagmahal walang limitasyon
Walang petsa kung hanggang kailan
Walang eksaktong oras o lugar
Basta magmahal ka lang
Nang hindi binibilang ang sakit
Kung ilang beses nasawi
Kung gaano karaming luha ang isiniwalat
Basta magmahal ka lang.

Naalala mo ba minsan nung naglalaro tayo sa likod bahay noong ating kabataan
Sa aking pagkagaslaw, nasalubsob ako ng kawayan
Napahiyaw ako sa sakit
Umiiyak habang tinititigan ang maliit na piraso ng kawayan na nakatusok sa aking hintuturo
Sabi mo kailangan matanggal ‘yon kung hindi ay magpapatuloy lang ang sakit
Mas malala pwede kang ma-impeksiyon

‘Wag!
Mariin kong tanggi sabay hawi sa kamay mong pinipilit abutin ang nasugatan kong daliri.
Kaya ko na naman ang sakit.
Wag lamang itong makanti
Baka mas masakit kapag tinanggal natin
Hayaan na lamang natin
Kaya ko naman
Kaya ko.

Ngunit kinagabihan, panay ang daing ko
Hindi ako makatulog nang sakto
Dahil sa bawat pagpihit ko sa kama, sa bawat pagtalikod at pagdapa
Natatabig ko ang salubsob
Nadarama ko ang pagkirot.

Kaya nagdesisyon akong sundin ang iyong suhestiyon.
Kumuha ako ng ‘puller’ at nanginginig na hinila ang noon ay kampante nang nakatusok na hibla ng kawayan.
Sa kabila ng kaba
Sa kabila ng takot
Tiniis ko ang nakangingilong hapdi
Dahan-dahan
Tapos pabigla
At sa wakas natanggal ko rin siya.

At ang sarap sa pakiramdam
Habang dahan-dahang humuhupa ang hapdi
Sabi mo pa,
“Oh ‘di ba? Sabi ko sa ‘yo hindi naman masakit. Kaya mo naman pala eh.”

Kinaya ko.
Kaya ko naman pala.
Ngayong tinanong mo kung bakit tinaningan ko ang pag-ibig
Nagkakamali ka
Kahit kailan ay hindi ko tataningan ang pag-ibig
Kahit kailan ay hindi ko isusumpa ang karuwagan at katangahan ko sa pag-ibig
Kahit kailan ay hindi ko ikakahiya na ako ay umibig

Ang tinaningan ko lang ay ang sakit.
Sakit na dulot ng pagtitiis sa isang pag-ibig na hindi mo alam kung paano tutuldukan
Dahil hindi mo naintindihan kung paano natapos
O natapos na nga ba?
Dahil walang nagsabi sa akin kung ano ang sapat na o kulang pa
Dahil walang nagturo sa akin kung hanggang kailan dapat magpakatanga
Walang nagturo kung hanggang kailan dapat kumapit sa isang taong bumibitaw na
O kung hanggang kailan mamamalimos ng atensyon
Hanggang kailan luluha sa mga alaala ng kahapon na binuo ninyong dalawa.
Wala.

Kaya ako na lang ang magkukusa.
Tulad ng pagkakatanggal ng salubsob
Alam kong ito ay magiging mahirap, mahapdi
Pero titiisin ko
Mawala lang itong tinik na nakabaon sa puso ko.
Gusto ko nang lumaya sa multo kong nagmamahal pa rin sa’yo.
Gusto ko na ng bagong ako
Malayo sa’yo.

Nakakatuwa naman ang iyong tinuran
Hindi ko alam kung kaya kong paniwalaan
Ngunit ngayon lang kita nakitang ganyan
Marahil ay tunay na pag-ibig nga ang iyong natagpuan
Nakakalungkot na iyon ay hanggang doon na lamang.

Lumaban ako hanggang kaduluduluhan.
Nagkulang man ako pero pinilit kong punan.
Masakit tanggapin na ito pala ay may katapusan.

Mahal,
Mahal kita
pero sadyang masakit na
Hindi ko na kaya.

Sa March 18
Lunurin mo ang sarili mo sa lungkot
Isigaw mo lahat ng hinanakit
Ibuhos mo lahat ng luha
Tapos kinabukasan
Parang awa mo na
Bitaw na.

One response to “march 18

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Not Made For One Night Stands

I write to try and make sense of it all but it usually ends up not having much sense.

Wanders of Chia

Happiness is my way of living

Doctor Eamer's Blog

PAG-IBIG ATBP.

Naked Ideation

Dive the Mind

That was Then, This is Now

Blank stares at blank pages

We Found Wonderful

Photography - Travel - Arts - Reflections

Eccentric Equilibrium

Where schizophrenia, serenity, lunacy and sanity all hang in the balance.

r....e....p....a.....h....

mga tsismis sa likod ko

A Tourist, A Traveler and A Lover of Art

I always believe that if you've experienced something extraordinary, you have no right to keep it to yourself. Paola Nazario

Deecee not Daisy

When you love, love all the way! :)

My stories

all stories u want~quotes,romance and short stories

BEAUTIFULLY BROKEN

[ mga dagling kwento, sanaysay, tula at kung anu-ano pang kaanuhan na umaapaw sa ano ko ]

Aling Baby

Oo, alam ko...alam n'yo na 'to...

Sankage Steno

Ganun talaga.

Forty Eleven Thousand Things

Vanity, travel, being bratty about motherhood, arts & crafts, the Filipino culture, life lessons, and just about fortyeleven thousand superficial anythings

Frozen Gulaman

It's Life in a Simple Frozen Treat

Liquid Druid's travel blog

Forget the big picture. Let's get lost in the details.

I Think. I Say. I Feel

Repository of all random things.

The Lurker's List

Tips and Observations. Naked Truths and Opinions.

The Muddled Corner

It doesn't get MIXED up like this!

Ewan ko!

Opinyon ko atbp..

eh sa wala akong magawa...

Walang Pakialamanan!

the odd one out...

from the outside looking in

blag bleg blig blog blug

Pagmulat ng mata, langit nakatawa sa Batibot.

%d bloggers like this: